Duterte supporter at veteran journalist, binanatan si Karen Davila

Duterte supporter at veteran journalist, binanatan si Karen Davila

- Maaanghang ang mga salitang binitawan ng beteranong journalist at kilalang Duterte supporter na si Jay Sonza laban kay Karen Davila

- Sa kanyang mga Facebook post, binanatan ni Sonza si Davila kaugnay nang naging panayam nito kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo

- Hirit pa ni Sonza na dating naging host sa ABS-CBN, kung inabutan ni Davila ang mga dating executives at reporters ng Dos ay baka sinibak daw ito agad

- Matatandaang naging mainit ang diskusyon nina Davila at Panelo kaugnay ng franchise renewal ng Kapamilya Network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maaanghang ang mga salitang binitawan ng beteranong journalist at kilalang Duterte supporter na si Jay Sonza laban Kapamilya news anchor na si Karen Davila.

Kaugnay ito nang naging panayam ni Davila kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo kamakailan.

Sa ilang Facebook posts ni Sonza, prangka at walang ligoy nitong binanatan si Davila.

Hirit pa ni Sonza na dating naging host sa ABS-CBN, kung inabutan ni Davila ang mga dating executives at reporters ng Dos ay baka sinibak daw ito agad.

“Kung inabutan ni Karen sina Ben Aniceto, Rick Tierro, iyong yumaong tatay ni Leah Navarro. Lito Balquiedra Jr. at Orly Mercado – mga betereno ng abs, 1st day, last day ito matapos masabihan ng you’re fired,” anito.

Sa isang post nito, nagbigay pa ito ng tip sa mga nais daw maging host ng isang talk program.

“Here’s my professional tip to budding and would be talk program presenter on radio and television – study, study harder and study some more the subject of discussion/issues and/or presentation. Otherwise, you will appear like that Karen Davila on ANC, SkyCable this morning with one of the country’s top litigation lawyer in Salvador Panelo,” ani Sonza.

Matatandaang naging mainit ang diskusyon nina Davila at Panelo kaugnay ng franchise renewal ng Kapamilya Network.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Sonza bilang isa sa mga masugid na tagasuporta ng administrasyon. Kamakailan lang ay nagpost din ito ng patutsada laban kay DJ Chacha kaugnay naman sa "resign Bato" issue na una nang naiulat ng KAMI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel