"Bibingka Girl" mula sa Cebu, agaw-atensyon sa social media

"Bibingka Girl" mula sa Cebu, agaw-atensyon sa social media

- Agaw-atensyon sa social media ang dalagang tinaguriang "Bibingka Girl" dahil sa kanyang angking ganda

- Kaya naman hindi napigilan ng uploader ang kuhanan ito ng larawan at ibahagi sa social media

- Kinilala itong si Cristy Cuizon, 18-anyos na dalaga mula sa Danao City

- Napag-alaman ng KAMI na matapos itong mag-viral sa social media ay mayroon nang isang beauty clinic sa Cebu ang nais itong bigyang free service

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-atensyon sa social media ang isang dalaga mula sa Cebu dahil sa angkin nitong ganda.

Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, hindi napigilan ng uploader at isa sa administrator ng Facebook page na Darkroom Cebu na si Clark Laurent Dumon na kuhanan ng litrato ang dalaga.

Kinilala itong si Cristy Cuizon, 18-anyos na dalaga mula sa Danao City.

“We went to Danao to take photos of our friends who joined in the motocross race," ayon kay Dumon.

"She had a rare beauty and she was a very accommodating vendor," dagdag pa nito.

Kwento pa ni Dumon, agad daw nilang kinuhanan ng larawan ang dalaga at ipinost sa social media.

Mabilis itong nag-viral sa social media at maraming netizens ang nagandahan talaga kay Cuizon.

May ilan pa ngang nagsabi na kahawig ito ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes.

Sabi pa sa ulat, mayroon nang isang kilalang beauty clinic sa Cebu ang nag-alok ng free service para sa dalaga.

Pero dahil walang nakuhang contact number ng dalaga, ipinost na lamang ito sa social media.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel