Direk Bobet Vidanes, naging 'gongbassador' sa TNT matapos dumating sa show nang naka-barong

Direk Bobet Vidanes, naging 'gongbassador' sa TNT matapos dumating sa show nang naka-barong

- Game na nakipagkulitan ang direktor ng noontime show na "It's Showtime" sa mga hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong Hilario

- Namataan siyang nanonood sa 'Tawag ng Tanghalan' segment at nakasuot ng barong

- Ayon kay Direk Bobet Vidanes, dumalo siya sa isang binyag kaya barong ang kanyang suot

- Napagkatuwaan ng mga host na ipalit si Direk Bobet kay Jong bilang 'gongbassador'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang nakipagkulitan ang direktor ng It's Showtime na si Direk Bobet Vidanes matapos siyang biruin ng mga TV hosts sa Tawag ng Tanghalan (TNT) segment ng noontime show.

Namataan ang direktor na sumilip sa pag-interview nina Vice Ganda at Vhong Navarro sa isang contestant. Matapos pansinin ng mga hosts ang kanyang suot na barong, pinaliwanag ng direktor na dumalo siya sa isang binyag.

Sumabat naman ang nagsilbing gongbassador na si Jong Hilario ng "Pantay-pantay tayo dito direk."

Bago pa ang TNT segment, naging katuwaan ng mga host ang sagot ng isang contestant sa Mini Miss U na "Pantay-pantay lahat ng tao sa mundo."

Bunsod dito, nakipagpalit ang TV hosts sa staff ng It's Showtime ng trabaho ng ilang sandali.

Pinagbigyan naman ni Direk Bobet ang pambubuyo ay hinawakan ang gong na iniabot ni Jhong.

Pinag-interview din siya ng studio audience kagaya ng ginagawa madalas ng gongbassador na kalimitang ginagampanan ni Jhong Hilario, Ryan Bang o di kaya ay ni Teddy Corpuz.

Panuorin ang nakakaaliw na eksenang ito dito:

Ang It's Showtime ay isang noontime show na umi-ere sa ABS-CBN nang mahigit sampung taon. Kabilang sa mga hosts ng show ay sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Amy Perez, Karylle, Jugs Zugueta at Teddy Corpuz. Kabilang din sina Anne Curtis at Mariel Padilla na kapwa naka-leave dahil sa pagbubuntis.

POPULAR: Read more about It's Showtime hosts here

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Carla Abellana is set to do drama series again. The Kapuso star revealed that she felt nervous with this comeback as she's been only doing romantic comedy series for the past three years! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel