JM De Guzman, ibinahagi kung paano siya natulungan ng ABS-CBN na magbagong buhay

JM De Guzman, ibinahagi kung paano siya natulungan ng ABS-CBN na magbagong buhay

- Ipinahayag ni JM de Guzman ang kanyang suporta sa ABS-CBN sa gitna ng franchise renewal issue nito

- Ibinahagi ng aktor kung paano siyang nabigyan ng pag-asa at makapagbagong buhay dahil sa Kapamilya network

- Binanggit niya din ang kanyang pagkakalulong sa ipinagbabawal na gamot

- Ito’y ginawa ni JM habang nagaganap naman ang prayer rally sa paligid ng ABS-CBN building

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pagpapakita ng suporta sa ABS-CBN, binalikan ni JM de Guzman ang kanyang madilim na nakaraan kung saan nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot. Ito ay sa gitna ng isyu tungkol sa franchise renewal ng network.

Ayon sa Kapamilya actor, nang dahil sa ABS-CBN nagawa niyang maipagpatuloy ang kanyang buhay at utang niya sa network kung bakit maayos na uli ang buhay niya ngayon.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng aktor ang isang video clip na kuha sa isang balita kung saan nabanggit ang pinagdaanan niya noong nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot.

Matatandaang naganap ang isang prayer rally sa paligid ng ABS-CBN building nitong Huwebes na pinangunahan ng mga artista ng seryeng Ang Probinsyano sa pamumuno ni Coco Martin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na sumailalim sa rehab si JM bago ito muling nakabalik sa showbiz noong 2017.

Ayon pa sa aktor, bilang isang artista nagagamit niya ang kanyang dark past para maging inspirasyon sa ibang tao.

“We as artists try our very best to use our dark past to be better to tell stories and inspire others na andun pa sa kumunoy. and abs was there to help me to help others. # peace #unity lets be role models and fix this. #lahattayopinoy.”

Si JM de Guzman ay isang Filipino actor, mixed martial artist, model at singer. Siya ay isa sa mga exclusive talent ng Star Magic.

POPULAR: Read more about JM de Guzman here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Carla Abellana is set to do drama series again. The Kapuso star revealed that she felt nervous with this comeback as she's been only doing romantic comedy series for the past three years! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel