Pinoy sa Singapore, positibo sa COVID-19

Pinoy sa Singapore, positibo sa COVID-19

- Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na isang Pilipino sa Singapore ang tinamaan ng coronavirus disease 2019

- Ito ang pinakaunang Pinoy na nag-positibo sa COVID-19 sa Singapore

- Kasalukuyang nasa National Centre for Infectious Diseases na ang Pinoy na patuloy na minomonitor ang kalagayan

- Tinatayang nasa 89 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Singapore

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Pilipino sa Singapore ang nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa Singapore.

Kinumpirma mismo ito ni DFA Undersecretary Brigido Dulay sa pamamagitan ng kanyang tweet.

Base sa Philippine Embassy ng Singapore, lumabas na positibo sa kinatatakutang virus ang Pilipino na kasalukuyan nang naka-isolate.

Nalaman ng KAMI kasalukuyan na itong nasa pangangalaga ng National Centre for Infectious Diseases.

Wala pang naibigay na ibang detalye patungkol sa naging travel history ng Pinoy ngunit patuloy nang sinusubaybayan ang kalagayan nito.

Kasalukuyan nang nasa 89 ang kumpirmadong bilang tinamaan ng COVID-19 sa Singapore.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nagbigay babala na rin ang Singapore na iwasan na muna ang pagpunta sa South Korea kung saan laganap na rin ang kinatatakutang virus.

Ang lungsod ng Daegu at Cheongdo ang pinaka-dapat na iwasan na lugar sa South Korea dahil dito ang may pinakamaraming bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19

Disyembre ng taong 2019 nang lumaganap ang COVID-19 na unang tinawang na 2019 novel coronavirus.

Pinaniniwalaang nagmula ang respiratory disease na ito sa Wuhan, China kung saan palasak ang pagkain ng mga hayop tulad ng paniki.

Maging ang Pilipinas ay nagkaroon ng tatlong kumpirmadong kaso ng COVID-19 at lahat nang ito pawang mga dayuhan mula mismo sa Wuhan, China.

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babaeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel