Night class pa siya: 64-anyos na senior high school student, ipinagmamalaki ng kanyang anak

Night class pa siya: 64-anyos na senior high school student, ipinagmamalaki ng kanyang anak

- Proud ang anak ng 64-anyos na estudyante ng Senior High School dahil sa pagpupursige ng ina

- Sa kabila kasi ng edad nito, di pa rin ito nagpaawat sa pag-aaral

- Panggabi pa umano ang klase nito kaya naman matindi talaga ang sakripisyong ginagawa ng ina para lamang matuto

- Ayon pa sa anak, nawa'y maging inspirasyon daw ang kanyang ina sa mga nais pa ring mag-aral dahil wala naman itong pinipiling edad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng netizen na si Gesa Ortega patungkol sa kanyang ina na nagsusumikap pa ring mag-aral.

Ayon kay Gesa, 64-anyos na raw ang kanyang nanay ngunit nag-enrol pa rin ito sa Senior High school night class upang mag-aral.

Sadyang nakamamangha raw talaga ang ina na ito ni Gesa dahil sa kabila ng kanyang edad na 64, di pa rin ito paawat na bumalik paaralan upang may matutunan.

Masasabi niyang masaya raw ang kanyang ina sa klase. Katunayan, ito pa raw ang nakikita ni Gesa na dahilan kaya naman lumalakas ang kanyang ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napapansin din daw niyang excited ang kanyang nanay sa pagpasok sa eskwela ata talaga namang pinagsusumikapan niya ang kanyang mga takdang-aralin at iba pang gawain sa paaralan.

Nais din ni Gesa na maging inspirasyon ng mga kabataan ngayon ang kanyang ina dahil kahit pa malayo na ang edad niya sa pagiging estudyante, hindi siya nahiya dahil alam niya ang kahalagahan ng edukasyon.

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel