Kim Atienza, malaki ang pasasalamat na ligtas ang asawa matapos umapoy ang kanilang sasakyan

Kim Atienza, malaki ang pasasalamat na ligtas ang asawa matapos umapoy ang kanilang sasakyan

- Ibinahagi ni Kim Atienza ang ilang litrato na kuha mula sa kanilang lumiyab na sasakyan

- Sa kanyang Instagram post, ipinagpasalamat ni Kuya Kim na ligtas ang kanyang maybahay na si Felicia Atienza

- Ayon pa sa kanyang post, nangyari ang insidente sa mismong araw ng kaarawan ng kanyang asawa

- Sa isang video na ibinahagi ng TV host, makikita ang pagliyab ng unahang bahagi ng kanilang sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Abot-abot ang pasasalamat ni Kim Atienza na ligtas ang kanyang maybahay na si Felicia Atienza matapos maliyab ang kanilang sasakyan. Ibinahagi ni Kuya Kim ang ilang litrato ng kanilang sasakyan matapos maapula ang apoy.

Sa tindi ng pinsalang tinamo ng sasakyan, marami sa kanyang Instagram followers ang nagpahayag ng pagkabahala.

Ayon pa sa post ni Kim, nangyari ang insidente sa mismong araw ng kaarawan ng kanyang asawa.

Thank you Lord @feliciaatienza wasn't hurt on her birthday! This car served us well. Bye bye Rangie. Job 1:21 "The Lord gave, and the Lord has taken away; blessed be the name of the Lord," ani Kuya Kim sa kanyang post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kabilang din sa ibinahagi niya ay isang maiksing video clip kung saan makikita ang pagliyab ng unahang bahagi ng sasakyan.

Si Kim Atienza o mas kilala sa bansag na Kuya Kim ay isang host, actor, weather anchor at isang dating politician. Siya ay kasalukuyang napapanood bilang weather anchor ng TV Patrol segment na Weather-Weather lang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Carla Abellana is set to do drama series again. The Kapuso star revealed that she felt nervous with this comeback as she's been only doing romantic comedy series for the past three years! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel