Lalaking magpapagupit sana, aksidenteng nabaril ang sarili

Lalaking magpapagupit sana, aksidenteng nabaril ang sarili

-Hinihintay lang daw ng lalaki ang kasama na maggugupit sa kanyang buhok nang aksidente nitong mabaril ang sarili

-Lumabas sa imbestigasyon na pinaglalaruan ng lalaki ang kanyang baril nang maganap ang aksidente

-Ayon sa pulisya, walang nakitang foul play sa nangyari at hinala nila ay nasa impluwensiya ito ng alkohol o ipinagbabawal na gamot

-Idineklara itong dead on the spot sa mismong bahay nito kung saan nangyari ang insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinihintay lang daw ng lalaki ang kasama na maggugupit sa kanyang buhok nang aksidente nitong mabaril ang sarili sa loob ng bahay nito sa Florida, United States.

Bandang 6:30 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang Hernando County Fire Rescue tungkol sa insidente sa bahay ng biktima sa Oakcrest Circle sa Brooksville.

Lumabas sa imbestigasyon na pinaglalaruan ng lalaki ang kanyang baril habang nasa labas ng kwarto nito nang maganap ang aksidente, base sa ulat ng Inquirer.

Idineklara itong dead on the spot.

Ayon sa mga awtoridad, umalis ang dalawang lalaki na kasama nito para bumili sa isang convenience store, ang isa sa mga ito ang gugupit sana sa buhok ng biktima, at nang bumalik ay dinatnan na ang lalaki na nabaril ang sarili.

Wala namang nakitang foul play sa nangyari ayon sa forensic evidence at pahayag ng ilang witness.

Sabi pa ng pulisya, madalas daw na paglaruan ng lalaki ang kanyang baril.

Lumabas din sa imbestigasyon ng mga pulis na posibleng nasa impluwensiya ng alkohol o ipinagbabawal na gamot ang lalaki nang mangyari ang aksidente.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel