Lola na nakatulog sa jeep, inayang mag-date 
ng kanyang nakatabi

Lola na nakatulog sa jeep, inayang mag-date ng kanyang nakatabi

- Nag-viral ang nakatulog na lola sa jeep na nauwi sa sweet na dinner date ng kanyang katabi

- Naawa kasi ang nakatabi ng lola na umaming pagod mula sa malayong biyahe

- Dahil wala umanong date sa Araw ng mga Puso ang lalaki, nagmalasakit siyang pakainin ang lolang nagugutom na rin

- Namimiss din kasi nito ang kanyang lola kaya naman di nagdalawang isip ang pasahero na pasayahin kahit sandali ang nakasakay na matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang sweet na ginawa ng isang pasahero sa nakasakay niyang lola sa Araw ng mga Puso.

Binahagi ni John Docor Hatamosa ang naging kakaibang karanasan niya nang makasakay niya ang isang matanda na nakatulog sa kanyang likod.

Nang ito ay magising, bahagya niya itong kinausap at nalamang pagod daw ito sa mahaba niyang biyahe.

Nalaman din niyang gutom na gutom na ito na di naman mapapagkaila dahil halata ito sa kanyang itsura.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Doon, lakas loob na inaya ni John ang lola na maghapunan bilang pagmamalasakit niya rito.

Namimiss na rin niya ang kanyang lola kaya di na ito nagdalawang isip na pasayahin ang matanda lalo pa at iyon ay Araw ng mga Puso.

Kita sa kanilang mga larawan na naibsan ang pagod at gutom ng lola na panay na ang ngiti habang sila ay kumakain.

Ayon pa kay John, tama man ang kasabihang "Don't talk to strangers" ngunit tila ipinag-adya na magkita sila ng matanda upang matulungan niya ito at mapasaya kahit sa sandali lamang na sila'y nagkasama.

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babaeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel