Anak ng contestant sa 'Eat Bulaga', pinaiyak si Joey de Leon nang mag-mano at humalik ito sa kanya

Anak ng contestant sa 'Eat Bulaga', pinaiyak si Joey de Leon nang mag-mano at humalik ito sa kanya

- Di napigilan ni Joey de Leon ang maiyak dahil sa isang anak ng contestant na minsan na pala siyang nakilala

- Nasa autism spectrum ang kalagayan ng anak ng constestant na si Desly ngunit sa kabila ng kanyang kondisyon ay naalala pa rin niya ang sikat ng komedyante na minsan na pala siyang nakapanayam sa programang "Mel and Joey"

- Bago pa umalis ang mag-ina sa entablado, hiniling pa ni Desly na mahagkan ang Sikat ng Eat Bulaga host

- Doon umapaw na ang luha ni Joey nang mag-mano, yumakap at humalik ang kanyang tagahanga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging emosyonal ang sikat na komedyante at TV host na si Joey de Leon dahil sa anak ng isa sa mga contestant ng 'Bawal ang judgmental' ng Eat Bulaga.

Sa February 21 episode ng naturang paligsahan, mga magulang ng taong nasa autism spectrum ang mga anak ang kanilang mga panauhin.

Ang autism spectrum ay isang uri ng developmental disorder kung saan nagkakaroon ng problema sa pananalita, pakikihalubilo at may limitadong pattern lamang ng patterns of behavior, interests at activities ang taong mayroon nito ayon sa ICDL.

Nang ipakilala na ni 'Donna', isa sa mga contestant ang kanyang anak na si 'Desly', panay na ang sabi nito ng "Hi Joey!"

Iyon pala ay dahil naalala pa niya ito nang minsan din siyang maging panauhin sa programa ng sikat na TV host sa "Mel and Joey" kung saan kasama niya noon ang kilalang news anchor na si Mel Tiangco.

Bago umalis sa entablado ang mag-ina, hiniling pa ni Desly na mahagkan si Joey.

Pumayag naman ito at agad na nilapitan ang panauhin.

Nagmano muna si Desly bago yakapin si Joey na noo'y umaapaw na ang luha.

Mas lalong naantig ang kanyang damdamin nang hagkan pa siya at kausapin ni Desly.

Natunaw ang puso ng komedyante dahil sa kabila ng kondisyon ni Desly ay naalala pa rin siya nito.

Maging ang host din ng programa at mahusay na aktor na si Paolo Ballesteros ay naluha sa nakakaantig na tagpo.

Narito ang kabuuan ng video:

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babaeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel