2 araw matapos mag-viral: Magkasintahan sa '711 proposal', nagpakasal na

2 araw matapos mag-viral: Magkasintahan sa '711 proposal', nagpakasal na

- Nagpakasal na ang magkasintahan sa nag-viral dahil sa wedding proposal na ginanap sa 711

- Di inakala ng bride na agad silang ikakasal dahil aminado siyang walang-wala rin daw sila sa buhay

- Lingid sa kaalaman ng bride na inihanda na pala lahat ng groom ang kailangan nila para sa kasalang bayan

- Kaya naman dalawang araw mula nang ito ay mag-propose, agad silang nagpakasal noong Pebrero 14

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos maging agaw eksena sa social media ang naging wedding proposal ng nobyong si Joemar Reyes sa kanyang kasintahang kahera na si Isabel sa isang convenience store sa may Boni Avenue corner Kalentong, agad na nagpakasal na ang dalawa.

Base sa post ng Bayan mo, I-patrol mo sa ABS-CBN, wala nang inaksayang araw ang dalawa at agad na nagpakasal noong Pebrero 14, dalawang araw matapos na mag-viral ang kanilang proposal.

Nalaman ng KAMI na kasama ang dalawa sa Kasalang Bayan na ginanap sa Maynila noong Pebrero 14.

Umaapaw ang kasiyahan ng bride na di inaasahan ang mga nangyari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aminado kasi siyang walang-wala sila at wala siyang kaalam-alam na inihanda na pala ng kanyang groom ang mga kailangan nilang papeles para sa Kasalang bayan.

"Di ko akalain na magagawa niya pa rin akong yayain magpakasal," kwento ni Isabel.

Marami na silang hinarap na mga pagsubok lalo pa at biniyaan na sila ng tatlong buwang gulang na supling na si Maria.

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang dalawa lalo na at matatawag na nila ang isa't isa bilang legal na asawa.

Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit ng lapit sayo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender.

Pinoy Confessions: Babaeng May Asawa Lapit Ng Lapit Sakin! | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel