20-anyos na babae na may COVID-19, walang sintomas at nakahawa ng iba

20-anyos na babae na may COVID-19, walang sintomas at nakahawa ng iba

- Hindi nagpakita ng anumang sintomas ng novel coronavirus ang isang 20-anyos na babae na nagpositibo naman dito

- Ayon sa ulat, hanggang noong Pebrero 11 ay hindi pa rin ito nagpakita ng senyales

- Kinumpirma naman ng isang eskperto na posibleng hindi magkaroon ng sintomas ang isang taong infected ng virus

- Sa kasalukuyan ay umabot na sa halos 80,000 na kaso ang nai-report sa China at mahigit 2,000 na ang naitalang nasawi dahil dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 20-anyos na babae sa China ang nagpositibo sa novel coronavirus ngunit hindi nagpakita ng anumang sintomas.

Batay sa ulat mula sa Manila Bulletin, mula sa Wuhan ang babae kung saan nagsimula ang virus at bumiyahe papuntang Anyang noong Enero 10.

Napag-alaman ng KAMI, na binisita nito ang ilang kaanak sa nasabing bayan at nahawaan ang ilan sa mga ito.

“Scientists have been asking if you can have this infection and not be ill? The answer is apparently, yes,” ayon kay Dr. William Schaffner, isang infectious disease expert sa Vanderbilt University Medical Center.

“You had this patient from Wuhan where the virus is, traveling to where the virus wasn’t. She remained asymptomatic and infected a bunch of family members and you had a group of physicians who immediately seized on the moment and tested everyone," dagdag nito.

Base naman sa report ni Dr. Meiyun Wang mula sa People’s Hospital sa Zhengzhou University, nang magsimulang magkaroon ng sintomas ng COVID-19 ang mga kaanak nito ay agad namang isinailalim sa isolation ang babae.

Ngunit nang dumaan naman ito sa test sa coronavirus ay nag-negatibo pa umano ito hanggang sa ulitin ang test kung saan nag-positibo na ang babae.

Pero ayon pa sa ulat, hanggang noong Pebrero 11 ay hindi pa rin nagpakita ng sintomas ang naturang babae.

Namatiling normal ang chest CT, hindi nilagnat o nagkaroon ng respiratory symptoms tulad ng ubo o pananakit ng lalamunan.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 70,000 ang nai-report na kaso sa China at mahigit 2,000 na ang nasawi dahil dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel