Angel Locsin, kinuwestiyon ang intensiyon ni Vivian Velez sa pagpu-post ng stockholders ng Dos

Angel Locsin, kinuwestiyon ang intensiyon ni Vivian Velez sa pagpu-post ng stockholders ng Dos

- Hndi pinalampas ni Angel Locsin ang pagpost ni Vivian Velez sa social media tungkol sa top 100 stockholders ng ABS-CBN

- Kinuwestiyon ni Angel kung ano ang intensiyon ni Vivian sa naturang post ku7ng saan nabanggit pa nito ang pangalan ni Angel sa comment section

- Hindi naman itinanggi ni Angel ang balita pero ipinaliwanag niyang prebelihiyo lamang iyon ng kumpanya sa ilang empleyado nito

- Dagdag pa ni Angel, 5 years to pay ang stocks na iyon at hindi pa rin siya tapos na hulugan iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inalmahan ni Angel Locsin ang pag post ng aktres na si Vivian Velez ng tungkol sa top 100 stockholders ng ABS-CBN. Kabilang si Angel, Daniel Padilla at Kim Chiu sa mga artistang stockholders ng kompanya.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Angel ang screenshot ng post ni Vivian. Ani Angel, nais lamang niyang linawin ang mga isyung pinupukol sa kanya matapos nitong ipahayag sa social media ang kanyang saloobin hinggil sa isyu ng ABS-CBN franchise.

Aniya, hindi siya parte ng kahit anong political party. Wala din daw siyang kontrata sa ABS-CBN sa kasalukuyan kaya walang kontrol ang network sa kung ano ang kanyang ibabahagi sa social media.

Dagdag pa ng aktres, hindi niya alam kung ano ang intensiyon ni Velez sa kanyang post pero kung ito ay para sirain ang kanyang pangalan, hindi na diumano dapat gawan ito ng isyu.

"Kapag kumita po ang aking maliit na investment sa ABS-CBN, I WILL DONATE EVERYTHING TO CHARITY. Accounted," dagdag pa ni Angel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paglilinaw pa niya, isang pribelihiyo mula sa kumpanya kung paano siya napabilang sa mga stockholders. 5 years to pay daw ang offer sa kanya at hindi pa nangalahati ang kanang pagbabayad kaya sa kanyang paniniwala ay hindi pa niya pagmamay-ari ang stocks.

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Ka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce at nakatakda na rin silang ikasal. Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Carla Abellana is set to do drama series again. The Kapuso star revealed that she felt nervous with this comeback as she's been only doing romantic comedy series for the past three years! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel