Sunshine Cruz, pinasalamatan si Diego Loyzaga sa pagbisita sa mga kapatid nito

Sunshine Cruz, pinasalamatan si Diego Loyzaga sa pagbisita sa mga kapatid nito

- Ibinahagi ni Sunshine Cruz ang mga litrato ng kanyang tatlong anak kasama ang kuya nilang si Diego Loyzaga

- Pinasalamatan ni Sunshine ang aktor sa pagbisita umano nito sa mga kapatid niya sa amang si Cesar Montano

- Kinagiliwan ng netizens ang pagiging malapit nila at hindi nila itinatago sa publiko ang kanilang closeness

- Maging ang ina ni Diego na si Teresa Loyzaga ay sinabi din na nami-miss niya na sina Sunshine at mga anak nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natutuwa sa pagiging malapit ni Diego Loyzaga sa mga kapatid nito sa amang si Cesar Montano at maging kay Sunshine Cruz na dating asawa ng kanyang ama.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Sunshine ang mga picture nilang magkakapatid at pinasalamatan ng aktres si Diego sa pagbisita nito sa mga kapatid niya.

Read also

Buboy Villar, binati si Angillyn Gorens sa kaarawan nito

Sunshine Cruz, pinasalamatan si Diego Loyzaga sa pagbisita sa mga kapatid nito
Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa comment section ay sinagot naman siya ni Diego.

Heheheh i love you tita!

Sinagot naman ito ni Sunshine ng, "@diegoloyzaga love you Diegs!"

Maging ang aktres at ina ni Diego na si Teresa Loyzaga ay nagpahayag din ng kanyang mensahe sa mag-iina.

Love u and miss you guys!! Enjoy!!!! ❤️❤️ @sunshinecruz718

Hindi lingid sa publiko ang pagiging malapit ni Diego sa kanyang mga kapatid sa ama. Gayunpaman, silang mag-ama ay walang masyadong mga napapabalitang bonding moment.

Matatandaang noong 2017 ay inihayag ni Diego ang kanyang sama ng loob sa ama sa pamamagita ng isang Instagram post.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Sunshine Cruz ay isang aktres at dating asawa ng aktor na si Cesar Montano. Sila ay nagkaroon ng tatlong anak. Matapos nilang magkahiwalay ni Cesar kasalukuyang karelasyon niya si Macky Mathay.

Read also

Alex Gonzaga, hindi inatrasan ang netizens na bumatikos sa kanya sa Twitter

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang ibinahagi ng kasama ni Sunshine sa teleseryeng Bagong Umaga na si Heaven Peralejo kamakailan na nag-positibo siya sa COVID-19. Naibahagi din ni Heaven kung gaano siya naapektuhan sa mga pambabatikos sa kanya kamakailan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel