Kathryn Bernardo may bagong mamahaling koleksyon na ipinakita sa netizen

Kathryn Bernardo may bagong mamahaling koleksyon na ipinakita sa netizen

- Mahilig magpa ear-piercing si Kathryn Bernardo at ang kanyang mga earrings ay ginagawa niyang koleksyon

- Nagkakahalagang P300,000 ang bagong ear-piercing ni Kathryn na pinagawa niya pa sa Dubai

- Kamakailan ay ibinahagi niya ang bagong ear-piece collection sa mga netizen sa kanyang IG post

- Napag-alaman din na nagpapa-ear piercing si Kathryn tuwing may bago itong tagumpay sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpa-butas na naman ng tenga si Kathryn Bernardo at ito ay karaniwan niyang ginagawa kapag siya ay may bagong tagumpay na nakamit. Bukod sa maraming namangha sa mismong earrings niya, nagulat din ang nakararami sa halaga ng nasabing ear-piercing.

Nagkakahalaga umano ito ng tatlong daang libong piso. Ipinagawa niya ito sa bansang Dubai sa kilalang luxury piercing and jewelry shop na Maria Tash.

Napag-alamang ang ear-piercing at jewelry ng Maria Tash ay talagang mamahalin. At ang ear-pierce piece na nabili ni Kathryn dito ay nagkakahalaga umano ng $5695 o P284,750, ayon sa report ng PUSH. Hindi pa umano kasali ang tax at service fee ng pagpapakabit ng naturang alahas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi niya rin ang bagong ear-piercing at ito raw ay para sa mga subscribers ng kanyang YouTube channel na “Everyday Kath” noong Enero.

Naiulat din ng KAMI ang pinagawang friendship ear-piercing ni Kathryn at mga kasamahan at kaibigan sa pelikulang The Hows of Us na sina Ria Atayde at Juan Severo.

Sa ngayon, sinasabing pangpito na itong ear-piercing ni Kath. Maraming netizen ang nagtatanong kung magpapalagay din ba sila ni Daniel Padilla ng couple ear-piercing.

Sinabi naman ni Kathryn sa isang guesting nito sa talk show ni Boy Abunda na “Tonight with Boy Abunda” sa Kapamilya na medyo takot si DJ sa pagpapabutas ng tenga. Payag naman ang boyfriend sa ginagawa nito ni Kathryn.

“Please, kelangan ko na every achievement or every milestone na nangyayari sa buhay ko may ginagawa ako. Magpapapierce ako!”, sabi ni Kathryn.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Carla Abellana forgot how it is to do dramatic roles. For almost two years she has only been doing romantic roles. Check out our interview with her on our YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel