Matteo Guidicelli, pinatunayan ang sinabi niyang ‘Sarah is worth fighting for’

Matteo Guidicelli, pinatunayan ang sinabi niyang ‘Sarah is worth fighting for’

- Pinatunayan ni Matteo Guidicelli na handa niyang ipaglaban si Sarah Geronimo

- Sa isang panayam noong 2014 ay naibahagi ng aktor na hindi naging madali ang kanilang relasyon

- Aminado siyang hindi pa natatanggap ng mga magulang ng kasintahan ang kanilang relasyon

- Gayunpaman, ayon sa aktor, gagawin niya ang lahat para maipaglaban si Sarah kagaya ng ginawa nito para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napatunayan ni Matteo Guidicelli na handa siyang gawin ang lahat para maipaglaban ang pagmamahalan nila ni Sarh Geronimo.

Matatandaang pumutok ang balitang nagkagulo sa civil wedding nina Matteo at Sarah na ginanap nitong February 20 matapos diumanong suntukin ng aktor ang isang guard.

Matapos mapag-alaman ang tungkol sa kasal, sumugod diumano ang ina ng singer.

Ang guard na sangkot sa gulo ay napabalitang napaghinalaang nagpaalam tungkol sa kasalang kanilang isinekreto. Ayon sa report, natapos na ang kasal nang dumating si Mommy Divine at pinipilit nitong makausap ang anak.

Nauna nang itinanggi ng aktor ang isyu tungkol sa panununtok.

Taong 2013 nang lumabas ang balita tungkol sa pagtutol ni Mommy Divine sa relasyon nina Sarah at Matteo.

Matatandaang sa isang panayam ay buong tapang na inamin ni Matteo na hindi pa tanggap ng magulang ng kasintahan ang kanilang pag-iibigan.

“Sarah’s parents, they’re like all parents, they’re just very protective… I understand them. But I also understand Sarah. She’s 26. She’s growing to become a beautiful lady, she’s becoming stronger. She’s standing up for herself. She’s becoming an independent woman,” aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa sa aktor, ipinaglaban siya ni Sarah. “Ipinaglaban niya ako, that’s why I’m very proud of her. I’ll do whatever it takes.”

Ibinahagi din niya ang dahilan kung bakit ayaw niyang mawala sa kanya ang popstar royalty.

“This woman, she’s worth everything. It’s not because of who she is — Sarah Geronimo. It’s the person who she really is outside the cameras, when we’re together, without the makeup and everything. She’s very true. I don’t think I can find anybody like this person. I believe I don’t want to lose this one,” dagdag pa niya.

Si Matteo Guidicelli ay isang Filipino-Italian actor, model, singer at dating kart racer. Una siyang nakilala sa showbiz nang mapabilang siya sa teenage comedy sitcom na Go Kada Go noong 2007.

POPULAR: Read more about Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Carla Abellana is set to do drama series again. The Kapuso star revealed that she felt nervous with this comeback as she's been only doing romantic comedy series for the past three years! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel