4 na buwang sanggol, nailabas na sa ospital matapos magkaroon ng COVID-19

4 na buwang sanggol, nailabas na sa ospital matapos magkaroon ng COVID-19

- Isang sanggol ang naibalitang gumaling matapos magkaroon ng Corona Virus Disease (COVID-19)

- Nitong Huwebes ay nailabas na sa ospital ang 4 buwang sanggol at siya ay muling kapiling na ng ama niya

- Ang 4 buwang sanggol na ito ang naitalang pinakabatang gumaling sa COVID-19 sa probinsya ng Zhejiang

- Samantala, labis din ang tuwa ng mga netizens nang malamang gumaling ang sanggol mula sa nakamamatay na sakit na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 4 na buwang sanggol ang nailabas na sa ospital matapos nitong gumaling sa Corona Virus Disease (COVID-19).

Nalaman ng KAMI na ang sanggol na ito ang pinakabatang gumaling matapos magkaroon ng COVID-19 sa Hangzhou, Zhejiang Province.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nailabas na sa Children’s Hospital ng Zhejiang University School of Medicine ang sanggol nitong Huwebes, Pebrero 20, 2020.

Makikita sa mga larawan na ang sanggol ay nasa piling na muli ng kanyang ama matapos nitong magkasakit.

Samantala, ang mga netizens naman ay labis ang tuwa nang malaman na gumaling na ang sanggol at nakaligtas ito sa nakamamatay na COVID-19. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook page ng ABS-CBN News:

“Thanks GOD! I believed in Your mercy, power & love for us! To GOD be the Glory!”
“God is great. thank you God for healing the baby”
“Thank God for the answered prayers”
“I still believe in miracles. Thank God”
“Thank you lord for saving the baby..”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa ulat ng Al Jazeera, umabot na sa 2,236 ang naitalang namatay sa China dahil sa COVID-19. Samantala, nasa 75, 685 naman ang kumpirmadong kaso nito.

Ang COVID-19 ay naunang naibalita sa Wuhan, China. Hindi nagtagal ay kumalat na rin ito sa mga kalapit nitong bansa at maging sa ibang parte pa ng mundo.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Kris Bernal had her makeup done by her fiancé Perry Choi in our exclusive feature with the Kapuso star! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel