Janice at Japoy Lizardo, ikinagalak ang pagsilang ng pangalawang anak na si Jevi

Janice at Japoy Lizardo, ikinagalak ang pagsilang ng pangalawang anak na si Jevi

- Masayang ipinamahagi ni Japoy Lizardo, ang mga larawan ng bagong silang na anak sa mga post nito sa Instagram

- Humanga si Japoy sa katapangan ni Janice habang ito’y nanganganak

- Mas naging mahirap umano ang pagdadalantao ni Janice sa pangalawa nilang anak ayon kay Japoy

- Binahagi din ni Japoy ang mga “cute” na larawan ng magkapatid na Jace at Jevi sa kanyang IG post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News

Sina Japoy at Janice Lizardo, mag asawang Taekwondo champions, ay masayang nagbahagi sa mga netizens ang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya.

Sa post niya noong February 12, ikinagalak niya ang pagsilang ng pangalawang anak na pinangalanang Jevi Alfonso Lagman Lizardo.

“So happy to finally see and hold you baby @jevi_lizardo. Welcome to the outside world!”

Nagpasalamat siya sa asawang si Janice sa pagbubuntis at pagsilang ng kanilang sanggol. Sinabi niya na mas mahirap daw ang pagdadalantao ni Janice sa pangalawa nilang anak. Pinuri din niya ito at sinabing:

“You’re a one strong woman. I promise to take care of you and our children. I will be there for you, for our family.”

Nagpasalamat din si Japoy sa Panginoon sa gabay at pagpanatiling ligtas ng asawa at si Jevi. Hindi rin niya nakalimutang bumati ng Happy Valentine’s Day sa asawang si Janice.

Ayon din sa isang post sa IG ni Janice, sinabi nitong mabait at mapagmahal na kuya si Jace, ang kanilang panganay na anak.

“I have the sweetest kuya! He’s been a good kuya to baby Jevi. I can see that he loves him so much. Thank you.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa balita ng KAMI noong Nobyembre, inanunsyo ni Japoy at Janice na magkaka-anak ulit sila ng isang lalaki.

Si Japoy at Janice Lizardo ay parehong kampeon sa Taekwondo sa iba’t ibang kategorya. Sa kasalukuyan ang pamilya ay may YouTube vlog na #TheLizardoSquad. Ang magasawa din ay nagmamay-ari ng J&J Taekwondo.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Peter Choi tries his make-up expertise on girlfriend Kris Bernal. Funny moments on how he was up to the challenge and see the results on Human Meter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel