Grade 10 student na may cancer, tinanggap ang diploma ng mas maaga sa ospital

Grade 10 student na may cancer, tinanggap ang diploma ng mas maaga sa ospital

- Napaaga ang moving-up ceremony ng isang Grade 10 student na mayroong stage 4 liver cancer

- With honors pa ng dalagita at iginawad na rin ito ng head teacher ng kanilang paaralan

- Masakit para sa magulang ng estudyante ang pangyayari lalo pa at tinapat na sila ng doktor sa maaring kahinatnan ng kanyang anak

- Kahit na paano'y masaya pa rin ang ina ng bata at nabigyan ng pagkakataon na magawaran pa rin ng diploma ang kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinanggap ng Grade 10 student na si Mae Shaira Ann Pastor ang kanyang diploma habang nakaratay siya sa ospital dahil sa liver cancer.

Ayon sa ABS-CBN, pinahintulutan ng kanyang paaralan na Pines City National High School sa Baguio City na isagawa ang Moving-up day para kay Shaira sa ospital.

Stage 4 liver cancer ang pinaglalabanan ni Shaira at laking pasalamat ng kanyang pamilya na nabigyan pa ito ng pagkakataong makamit ang kanyang diploma.

Honor student parin si Shaira kahit isa't kalahating buwan na siyang nasa ospital.

Ayon sa kapatid nitong si Nicholle Caluza, inamin naman na sa kanila ng doktor ang maaring mangyari kay Shaira.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Masakit man para sa inang si Madeline Pastor patuloy silang lumalaban.

Kaya isinagawa na rin ang espesyal na seremonyang ito na dapat ay gaganapin sa Marso.

Isa raw kasi ito sa mga hiling ni Shaira at masaya silang napagbigyan ito ng kanyang paaralan.

Naroon ding nakasuporta ang kanyang mga kamag-aral at guro na labis ding humahanga kay Shaira dahil sa determinasyon pa rin nito na makatapos.

Nais sanang kumuha ng nursing ng dalagita ngunit sa ngayon, ipinagdarasal muna nila ang paggaling nito.

We challenged Kris Bernal and her fiance Perry Choi to do the 'My boyfriend does my makeup challenge'.

My boyfriend does my makeup challenge With Kris Bernal | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel