30-anyos na OFW, nagkapagpatayo na ng sariling bahay sa loob lamang ng limang taon

30-anyos na OFW, nagkapagpatayo na ng sariling bahay sa loob lamang ng limang taon

- Proud ang OFW na ito na dahil sa pagsusumikap at sakripisyo, mayroon na siyang sariling tahanan na matatawag

- Laki siya sa hirap kaya naman naman ganoon na lamang ang pagpapahalaga niya sa pera

- Sa loob lamang ng limang taon sa abroad, nakapagpundar na siya ng sarili nilang bahay

- Tiniis niyang di muna makabili ng mga luho tulad ng bagong cellphone at mga usong damit dahil ibinuhos muna niya lahat ng kinikita sa pagpapagawa ng kanyang bahay

- Ngayon, nagbunga na ang kanyang pinaghirapan masarap daw sa pakiramdam dahil kahit kailan walang sinuman ang magpapalayas sa kanila dahil sarili na ang kanilang tinitirahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng dating OFW na si Gen Rodriguez ang nakamamanghang kwento niya ng tagumpay sa pangingibang bansa.

Ayon sa kwentong binahagi niya sa Tipid Living, aminado si Gen na laki siya sa hirap.

Ngunit laking pasalamat niya sa kanilang ina dahil napalaki sila nito ng maayos kahit pa high school graduate lamang ito. Ipinamulat sa kanila ng kanilang ina ang kahalagahan ng mabuting pag-uugali at ito ang baon nila upang harapin

Maswerteng nakakuha ng scholarship si Gen sa kolehiyo. Taong 2014, mapalad din siyang nabigyan ng pagkakataong makapag-abroad.

Sa kabila ng maayos na trabaho sa ibang bansa, nakatatak pa rin sa isip ni Gen na hindi pang-habang buhay ay buhay niya roon.

Matinding sakripisyo ang kanyang ginawa. Iniipon niya ang karamihan ng kanyang kita at di na rin daw siya nakikisabay pa sa uso.

30-anyos na OFW, nagkapagpatayo na ng sariling bahay sa loob lamang ng limang taon

source: Gen Rodriguez Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

30-anyos na OFW, nagkapagpatayo na ng sariling bahay sa loob lamang ng limang taon

source: Gen Rodriguez Facebook
Source: Facebook

Maging ang kanyang cellphone ay hindi rin smartphone dala ng kanyang pagtitipid.

Sumapit ang 2019 at nagbunga na ang lahat ng kanyang pagsasakripisyo.

Naitayo na ang kanilang munting tahanan ngunit proud siyang sabihin na ito'y sa kanya na.

Tunay na inspirasyon si Gen sa mga tulad niyang OFW na pinapahalagahan ang bawat sentimong kanyang kinikita. Kaya naman sa loob lamang ng limang taon at sa edad niyang 30, may uuwian na siyang matatawag niyang sa kanya.

Kris Bernal had her makeup done by her fiancé Perry Choi in our exclusive feature with the Kapuso star!

My boyfriend does my makeup challenge With Kris Bernal | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel