Lalaking teacher, nag-viral dahil sa kanyang sweet reward sa mga honor students

Lalaking teacher, nag-viral dahil sa kanyang sweet reward sa mga honor students

- Tampok sa social media ngayon ang isang guro na may pabuya sa kanyang mga estudyanteng pasok sa listahan ng mga may honor

- Namigay ng Stick-O ang teacher sa mga estudyante niya upang mas ganahan pa ang mga ito sa pag-aaral

- Kwento ng viral teacher, simula noong nagturo siya ay lagi na siyang namimigay ng reward para sa mga estudyante niya

- Samantala, ang mga netizens naman ay naaliw sa paraan ng teacher para hikayatin ang mga estudyante niyang mag-aral nang mabuti

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan ay isang lalaking guro ang nag-viral sa social media matapos niyang mamigay ng reward para sa mga honor students niya.

Nalaman ng KAMI na si Teacher Lemuel Java ng Ramon Torres National High School sa Negros Occidental ay naghanda ng pabuya tulad ng Stick-O para sa paghihirap ng kanyang mga estudyante sa pag-aaral.

Ayon sa ulat ng The Summit Express, simula noong magturo raw si Teacher Lemuel ay nagbibigay na ito ng reward sa mga estudyante niya upang mas maengganyo sa pag-aaral nila.

“Simple treats to my 3rd grading list of students with honors. Congratulations. #SanaAll,” sabi niya sa kanyang Facebook post.

Sa isang Facebook post naman niya, humingi pa siya ng paumanhin dahil simple lang ang regalo niya para sa mga estudyante niya.

“Good Job mga anak... Sorry amo lang ni ang nakayanan.. #SanaAll,” sabi ni Teacher Lemuel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ang mga netizens naman ay natuwa sa pagmamalasakit ni Teacher Lemuel sa mga estudyante niya. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“sana all”
“Sana all ganyan teacher para ganahan yung mga estudyante haha”
“Share ka nman sir,the more u give the more u recieve di ba.”
“that is good bro..keep on inspiring!”
“kudos to that teacher ih!”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Kris Bernal had her makeup done by her fiancé Perry Choi in our exclusive feature with the Kapuso star! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel