Mayor Isko Moreno, binisita ang vendor na binaril ng holdaper sa Maynila

Mayor Isko Moreno, binisita ang vendor na binaril ng holdaper sa Maynila

- Personal na binisita ni Mayor Isko Moreno ang pares vendor na hinoldap at binaril ng isang kawatan sa Maynila

- Hindi naman nakalimutan ng alkalde na bigyan ng tulong ang biktima na pinangakuan nito ng sariling pwesto sa Ylaya

- Matatandaang nakuhanan pa ng CCTV ang kalunos-lunos na sinapit ng biktima na siya palang inaasahan ng kanyang pamilya

- Ang suspek naman nahuli na noong Miyerkules na umamin namang gumagamit ng droga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Personal na binisita ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang pares vendor na hinoldap at binaril ng isang kawatan sa Baseco Compound, Manila kamakailan.

Ang biktimang si Samson Bautista, kritikal pa rin ang lagay matapos tamaan ng bala sa leeg.

Samantala, hindi naman nakalimutan ni Mayor Isko ang tulungan si Bautista na pinangakuan pa nito ng sariling pwesto sa Ylaya.

Pinalakas din ni Mayor ang loob ni Bautista at hiniling ang paggaling ng biktima.

Sabi ng doktor na tumitingin dito, hindi natanggal ang bala na tumama rito. Sensitibo rin daw ang parteng tinamaan na parte raw ng utak.

Maghihintay pa ng dalawang linggo para malaman kung maaari nang tanggalin ang bala sa katawan ni Bautista.

Matatandaang nakuhanan pa ng CCTV ang kalunos-lunos na sinapit ng biktima na siya palang inaasahan ng kanyang pamilya.

Ayon sa misis nito, regular na nagpapadala sa kanila ang mister para sa kanilang panggastos.

Ngunit ngayong nasa kritikal itong lagay, doble-hirap ang kanilang dinaranas.

Habang ang suspek na si Alexander Ogdamina nahuli na noong Miyerkules dahil sa tuloy-tuloy na manhunt operation ng mga pulis Maynila.

Umamin din ito na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot bagamat itinanggi nito na ginamit niya ang perang kinuha mula kay Bautista para sa bisyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel