Inang nakaladkad rumaragasang trak, hinanap pa ang anak bago tuluyang pumanaw

Inang nakaladkad rumaragasang trak, hinanap pa ang anak bago tuluyang pumanaw

- Nakaladkad ng rumaragasang trak ang 17-anyos na ina at ang kanyang tatlong buwang saggol

- Nahanap pa siya ng kanyang mister sa ilalim ng trak at nagawa pa niyang hanapin ang anak bago tuluyang nalagutan ng hininga

- Napag-alamang pumanaw din ang anak nito na pumailalim din sa trak

- Lumabas sa imbestigasyon na gumamit ng ipinagbabawal na gamot ang driver ng trak at kalalaya lang halos nito sa bilangguan dahil din sa kasong may kaugnayan sa droga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang rumaragasang 18-wheeler na trak ang sinasabing nawalan ng preno sa San Jose del Monte, Bulacan noong Pebrero 18.

Dumiretso sa ilang establisyimento ang trak at nakaladkad ang mga taong naroon.

Kasama na rito ang 17-anyos na inang si Michelle Ramos at ang anak niyang tatlong buwang gulang pa lamang.

Ayon sa panayam ng GMA news sa mister nitong si Rolly Bangit, sinubukan niyang iligtas ang kanyang mag-ina at nakita nga niya ang misis sa ilalim ng trak na may buhay pa.

Nagawa pa nga umano nitong sambitin na hanapin daw ni Rolly ang kanilang anak.

Sa kasamaang palad, pumanaw din ang misis sa kamay mismo ng kanyang mister.

Nahanap naman ni Rolly ang kanilang anak at sa kasamaang palad at wala na rin itong buhay.

Samantala, isinalaysay ng driver ang naganap na aksidente na kumitil sa buhay ng mag-ina at ilan pang residente ng lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa driver, napansin na niyang tila nagkakaroon daw ng problema ang trak ilang kilometro mula sa pinangyarihan ng insidente.

Nakasagasa na nga siya ng ilang road signage at natikitan na umano siya dahil dito.

Ngunit pagdating sa kasamaang palad, tuluyan na raw itong nawalan ng preno at tuluyan nang rumagasa sa mga establisyimento.

Sa isinagawang drug test, lumabas na positio ito sa papggamit ng iligal na droga.

Katunayan, kakalaya pa lamang nito noong Pebrero 6 sa kasong may kauganayan sing sa ipinagbabawal na gamot.

Nasakote na ng awtoridad ang suspek.

We challenged Kris Bernal and her fiance Perry Choi to do 'My boyfriend does my makeup challenge'. How do you think they did?

My boyfriend does my makeup challenge With Kris Bernal | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel