Babaeng inoperahan, tumugtog ng violin habang tinatanggal ang tumor sa utak

Babaeng inoperahan, tumugtog ng violin habang tinatanggal ang tumor sa utak

- Hinayaang tumugtog ng kanyang instrumento ang professional violinist habang siya ay inooperahan

- Sadyang pinahintulutan siya ng kanyang mga doktor na gawin ito upang masiguro na di maapektuhan ang abilidad niya sa pagtugtog habang tinatanggal ang tumor sa utak nito

- Siniguro naman ng mga doktor na magiging maayos ang operasyon lalo pa at isasagawa itong gising ang pasyente

- Naging matagumpay naman ang operasyon at umaasa ang pasyente na makababalik muli siya sa orchestra sa lalong madaling panahon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tumutugtog ng violin ang 53-anyos na si Dagmar Turner nang isagawa ang operasyon sa kanyang utak sa King's College Hospital sa London.

Ayon sa CNN, tatanggalan ng tumor sa utak ang professional violinist na ito.

Upang masigurong hindi maapektuhan ang abilidad nito sa paggamit ng kanyang instrumento, hinayaan siya ng kanyang mga doktor na tumugtog ng violin habang isinasagawa ang operasyon.

Sampung taong gulang pa lamang si Dagmar nang siya at matutong mag-violin. Kaya naman halos buhay na niya talaga ang pagtugtog nito.

Ito rin ang iniingatan ng kanyang mga doktor kaya naman mabusisi nilang pinaghandaan at pinagplanuhan ang naturang operasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging matagumpay ang pagtatanggal ng 90% ng tumor sa kanyang utak at di rin naapektuhan ang kanyang pinakaiingatang talento.

Nakauwi na rin sa kanilang tahanan si Dagmar at umaasa siyang makabalik muli sa orchestra sa lalong madaling panahon.

We challenged Kris Bernal and her fiancé Perry Choi to do 'My boyfriend does my makeup challenge'.

My boyfriend does my makeup challenge With Kris Bernal | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel