Paslit na nagsilbing gabay ng mga PWD na magulang, umantig sa puso ng marami

Paslit na nagsilbing gabay ng mga PWD na magulang, umantig sa puso ng marami

- Maraming Pinoy netizens ang naantig ang damdamin sa mga larawan ng isang mag-anak sa social media

- Dito, tampok ang isang batang lalaki na nagsisilbing gabay sa mga bulag na magulang

- Kita pa sa mga larawan na may nakataling lubid sa bewang ng bata at ng kanyang ama para hindi makalayo ang paslit sa mga ito at para na rin maging gabay ng mag-asawa

- Mabilis na nag-viral ang post na ito tungkol sa mag-anak sa social media at naitampok pa sa ilang local news outlet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigil ng marami ang maantig ang damdamin para sa isang mag-anak na viral ngayon sa social media.

Sa Facebook post ng netizen na si John Cuenca Alterado, makikita ang isang batang lalaki na nagsisilbing gabay sa kanyang mga magulang na parehong bulag.

Kita pa sa mga larawan na may nakataling lubid sa bewang ng bata at ng kanyang ama para hindi makalayo ang paslit sa mga ito at para na rin maging gabay ng mag-asawa.

Sa kabila ng sitwasyon, nahuli pa ng camera ng uploader nang ngumiti ang paslit.

"Love is blind.

"Si dodong ghuktan gyd ug pisi para maoy mu guide sa iyang ginikanan ug dli sab cya mahilayu sa iyang mama ug papa.

"My healthy baby girl din silang naiwan sa bahay at buntis yata si Rowena ngayun," ayon sa FB post ni Alterado noong Pebrero 12.

Mabilis na nag-viral ang post na ito tungkol sa mag-anak sa social media at naitampok pa sa ilang local news outlet.

Maraming netizens din ang nagpabatid ng pagnanais na matulungan ang mag-anak na nagsilbing inspirasyon sa atin.

Hangad ng KAMI ang kaligtasan ng mag-anak sa lahat ng oras.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, isang tatay na walang kakayahang bumili ng bag para sa estudyanteng anak, humabi na lang ng bag na gawa sa straw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel