Dating senador Trillanes, vlogger na ngayon kahit kaliwa’t kanan ang mga kaso

Dating senador Trillanes, vlogger na ngayon kahit kaliwa’t kanan ang mga kaso

- Isang bagong larangan naman ang tinahak ni dating Senador Antonio Trillanes matapos magsilbi sa Senado

- Ang dating senador ay isang ganap na vlogger na ngayon at pinamagatan niya itong “Trillanes Explains”

- Giit niya, ipagpapatuloy niya ang kanyang adbokasiya laban sa korapsyon at ang reporma sa gobyerno

- Kamakailan nga ay umuwi sa Pinas si Trillanes upang harapin ang kaso niya ukol sa mga “Bikoy” videos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kalagitnaan ng mga kasong kinakaharap ni dating Senador Antonio Trillanes ay may bagong larangan siyang tinatahak.

Nalaman ng KAMI na ang dating senador ay isa ng ganap na vlogger ngayon.

Ayon sa ulat ng Philippine Star, ibinahagi ni Trillanes ang kanyang kauna-unahang vlog sa YouTube nitong Miyerkules ng umaga.

“Welcome to my VLOG!” sabi ni Trillanes sa kanyang tweet.

“Noong natapos ang aking termino, naisip ko, kailangan ko pa ring magsilbi sa ating bayan. Ito ngayon ang aking paraan para mapagpatuloy 'yun. Kaya abangan ninyo ang future episodes ng #TRX #TrillanesExplains,” dagdag niya pa.

Paliwanag ni Trillanes, ang kanyang vlog ay para sa kanyang adbokasiya laban sa korapsyon at para sa reporma ng kasalukuyang gobyerno.

Giit niya, ang kanyang mga impormasyon na ibabahagi sa kanyang mga vlog ay base sa mga research, impormasyon na galing sa kanyang network at sa ordinaryong mga tao.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naunang naiulat ng KAMI na muling bumalik ng Pilipinas si Trillanes para harapin ang kasong isinampa laban sa kanya dahil sa mga “Bikoy” videos.

Isa si Trillanes sa mga inaakusahang nasa likod umano ng “Bikoy” videos na inuugnay ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa diumano’y ilegal na droga.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Kris Bernal had her makeup done by her fiancé Perry Choi in our exclusive feature with the Kapuso star! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel