Showbiz personalities na sumusuporta sa ABS-CBN, lalo pang dumarami

Showbiz personalities na sumusuporta sa ABS-CBN, lalo pang dumarami

- “Freedom of Speech” ang panawagan ng nakakararami sa showbiz sa isyu ng prankisa ng ABS-CBN

- Hindi lamang mga artista ang sumusuporta sa Kapamilya network kundi pati na rin ang mga batikang direktor

- Masamang ehemplo umano ang panawagan ng gobyerno sa pagpapasara sa Network

- May ilan din sa kanila ang nag-sabing kasama na sa araw-araw ng maraming Pilipino ang panonood sa Kapamilya Network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News

Pinaguusapan ng nakararami ang renewal ng prankisa ng ABS-CBN. Sa nakaraang ulat ni Mario Dumaual sa “Star Patrol”, mga primyadong direktor at manunulat ng industriya ang nagkaroon ng pagkakataong magpahayag ng suporta sa Kapamilya Network.

Pinahayag ng director ng pelikulang “Untrue” na si Sigrid Bernardo ang suporta at sinabing “Suportahan natin ang nakikipaglaban para sa ABS-CBN,and ako No to shutting down of ABS-CBN.”

Sa launching ng Cinemalaya Film Festival, nagpahiwatig din ng suporta ang mga primyadong direktor na kasali sa pagtitipon.

Si direk Joselito Altarejos ay nag-suot ng Kapamilya shirt bilang pag-suporta niya sa network.

“Ang laban ng isa ay laban ng lahat.”

“Kalayaan man yan para sa pamamahayag ng sarili o kalayaan man yan sa broadcast.”

Si Ricky Davao, na may pelikulang kalahok sa Cinemalaya, ay nag-pahayag din ng suporta sa ABS-CBN.

“My father used to be with ABS, ako ang tagal ko din sa ABS. Nabuhay ako because of ABS. Sa common tao, yung entertainment nila araw-araw malungkot sila, hirap, paguwi sa bahay on ng TV, teleserye, news…Maraming nagawa para sa Pilipino ang ABS-CBN.”

Kahit na tumatanaw din ng utang ng loob ang direktor na si Mac Alejandre, nais niyang isantabi ito at pagusapan ang punto ng isyu. Ito ay ang pagkilala sa ABS-CBN bilang bahagi ng buhay ng Pamilyang Pilipino.

Aniya, “Kailangan manindigan sa kung ano ang dapat. Dahil we’re talking about a great part of our daily life. Mahirap siyang itiwalag.”

Iginiit din ng beteranong manunulat at Martial Law detainee na si Ricky Lee: “Kapag pinagpatuloy nila ito mga gingawa nila, maraming iba pang mamamahayag at taga-kwento ang matatakot na baka mangyari din sa atin ito, Pinagbabawalan tayo sinusupil tayo.”

“It will set to a bad precedent,” dagdag pa ni Ricky.

“Sana Makita nating ang patas. Not only to the government side from the network side. Importante na magkaroon tayo ng freedom of expression. Importante din na magkaroon tayo ng boses,”pahayag din ni direk Brillante Mendoza.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa huling ulat ng KAMI, umani din ng suporta ang ABS-CBN sa iilang mga artista ng kalabang network na GMA 7.

Ang ABS-CBN ay isa sa pinakamalaking media at entertainment na kumpanya. Naranasan din ng network ang pasara noong panahon ng rehimeng Marcos.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts

and views on different matters!

Challenge accepted! Engaged couple Kris Bernal and Peter Choi took our make-up challenge to another level. How did it end? Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel