Ibigay na lang daw agad! Pares vendor, nasisi pa ng suspek kung bakit niya ito nabaril

Ibigay na lang daw agad! Pares vendor, nasisi pa ng suspek kung bakit niya ito nabaril

- Nahuli na ang suspek sa pamamaril sa kaawa-awang pares vendor sa Tondo, Manila

- Di raw ito kinakitaan ng anumang pagsisisi sa kanyang ginawa

- Imbis na humingi ng tawad, sinisi pa ng suspek ang pares vendor at nanlaban pa ito at hindi ibinigay agad ang bag na naglalaman ng kanyang kita

- Mismong si Mayor Isko Moreno ang humarap sa suspek at maging siya ay nanggagalaiti sa ginawa ng suspek sa kawawang vendor na naghahanapbuhay ng maayos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasakote na ng mga awtoridad ang suspek sa pamamaril sa kaawa-awang pares/mami vendor sa Tondo, Manila.

Nakilala ang suspek na si Alexander Ogdamina na nahuli bandang 7:00 ng gabi kahapon, Pebrero 19 sa tulong ng ilang saksi.

Nakuha rin kay Ogdamina ang baril sa pinaniniwalaang ginamit niya sa pamamaril sa biktima.

Maging si Mayor Isko Moreno ay hinarap ang suspek at maging siya ay galit sa ginawa nito.

Nananahimik na nagtatrabaho raw kasi ang pares/mami vendor na pinerwisyo ni Ogdamina.

Samantala, di kinakitaan ng anumang pagsisisi ang suspek. Katunayan, ang kanyang sinisisi ay ang biktima dahil sa di nito pagbigay agad ng bag.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kung naibigay lamang daw agad ng biktima ang bag, di na raw sana niya ito papuputukan.

"Baka akala kasi nila mga tulad sa namin nagbibiro kami. Hindi kami nagbibiro, pag sinabi namin, ginagawa namin 'yon, kaunting halaga lang naman 'yon kung gugustuhin eh, hindi na kailangan mawalan pa ng buhay," ang matapang na pahayag ng suspek.

Umamin din si Ogdamina na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot.

Dumating din sa presinto ang mga kaanak ng biktima na galit na galit sa suspek.

Humingi man ng tawad si Ogdamina ay di nila ito matanggap. Pinayuhan din sila ni Mayor Isko na huwag makipag-areglo para maturuan ng leksyon ang suspek.

Kasalukuyan pa ring nasa ospital ang biktima na bumubuti naman ang kalagayan.

We challenged Kris Bernal and her fiancé Perry Choi to do the 'My boyfriend does my makeup challenge'.

My boyfriend does my makeup challenge With Kris Bernal | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel