Sayang! Marcelito Pomoy, kinuwentong "We are the world" sana ang kakantahin sa AGT Finals

Sayang! Marcelito Pomoy, kinuwentong "We are the world" sana ang kakantahin sa AGT Finals

- Naikwento ni Marcelito Pomoy na "We are the world" sana ang kakantahin niya sa finals ng America's Got Talent

- Nanghinayang ang mga netizens lalo na ang mga Pinoy dahil mas maganda sana ang kantang ito at baka ito pa raw ang maging winning piece ng ating pambato

- Maraming boses kasi sana maipapakita ni Marcelito kung ito ang kanyang kinanta

- Proud pa rin ang mga Pinoy dahil nakasama si Marcelito sa finals at nakamit nito ang ikaapat na puwesto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinunyag ng pambato ng Pilipinas sa America's Got Talent na si Marcelito Pomoy ang nais niya sanang kantahin sa finals ng programa.

Sa panayam sa kanya ng CNN, naikwento ni Marcelito na "We are the World" sana ang winning piece niya sa AGT finals.

Ang kantang "We are the World" ay inawit ng iba't ibang kilalang singers tulad nina Michael Jackson, Lionel Ritchie at iba pa.

Ayon sa mga netizens, kung ito ang kantang ipinamalas ni Marcelito sa finals, malamang nasungkit na niya ang pagiging "Champion" ng America's Got Talent.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagbigay nga ng sample sa Marcelito Pomoy sa programa, at doon pa lang ay namangha na ang mga host dahil maraming boses nga sana ang mailalabas ng ating pambato kung nagkataon.

Matatandaang, nabanggit ni Marcelito sa mismong programa na ang production ng AGT ang nagdesisyon kung ano ang kanyang kakantahin para sa finals.

Gayunpaman, sinabi ni Marcelito na huwag nang manghinayang pa. Ang mahalaga naipamalas daw niya ang angking kakaibang talento ng mga Pinoy.

Narito ang sample ni Marcelito sa sana'y kakantahin niyang "We are the World."

Nakamit ni Marcelito ang ikaapat na puwesto sa prestihiyosong talent show at dahil dito, naging proud na naman ang ating bansa sa pagkapanalo niyang ito.

We challenged Kris Bernal and her fiance Perry Choi to do 'My boyfriend does my makeup challenge'. How do you think they did?

My boyfriend does my makeup challenge With Kris Bernal | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel