Bride at groom na ikinasal nang naka-tshirt at pantalon lang, hinangaan

Bride at groom na ikinasal nang naka-tshirt at pantalon lang, hinangaan

- T-shirt at pantalaon lang ang napiling isuot ng bride at groom na ito para sa kanilang pag-iisang dibdib

- Maging ang kanilang mga abay ay ganoon din ang kasuotan na napakaginhawa raw para sa ganitong okasyon

- Simple ngunit 'di raw talaga malilimutan ang mahalagang araw na ito para sa kanila

- Dahil sa kanilang pagiging praktikal, hinangaan sila ng marami at ang iba pa nga'y nagsasabing ganito na rin ang kanilang isusuot sa araw ng kanilang kasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan online sina Glen at Rebecca Maxwell dahil sa kanilang napakasimpleng kasalan.

Ayon sa EliteReaders, imbis kasi na tradisyunal na 'gown' at 'tuxedo' ang kanilang isuot sa kanilang pag-iisang dibdib, t-shirt at pantalon ang napili nilang suotin.

Maging ang kanilang mga abay ay ganito rin ang postura na masasabing maginhawa talaga para sa ganitong okasyon.

Nalaman ng KAMI na 2016 nang magplano ang dalawa para sa isa sanang magarbong kasalan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit isang gabi, bigla na lamang naisip ni Glen na tila di naman mahalaga kung gaanong karangya ang kanilang pag-iisang dibdib dahil ang importante ay makasal sila ni Rebecca.

Pumayag ang bride kaya naman taliwas sa kinagawian, mas pinili nilang maging simple at praktikal ang kanilang kasalan.

Inimbita rin nila ang malalapit lamang nilang mga kaibigan at kaanak. Pati rin ang mga ito ay pawang mga 'casual clothes' lang din ang suot.

Masasabing naging matagumpay naman ay simpleng seremonyang ito dahil ang mahalaga sa mag-asawa ay ang mabasbasan at mapagbuklod ang kanilang pagsasama.

We challenged Kris Bernal and her fiancé Perry Choi to do the 'My boyfriend does my makeup challenge'.

My boyfriend does my makeup challenge With Kris Bernal | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel