Hirap na ama, humabi na lamang ng bag na gawa sa straw para sa anak

Hirap na ama, humabi na lamang ng bag na gawa sa straw para sa anak

- Marami ang naantig sa istorya ng isang estudyante sa Cambodia na gumagamit lamang ng bag na gawa sa straw

- Matapos i-post ng kanyang guro ang nakaawang lagay ng bata ay marami ang nagbigay ng tulong para rito

- Ayon sa guro nito, isang magsasaka ang ama ng estudyante na walang kakayahang bumili ng bag para sa nag-aaral na anak

- Ngunit sa kabila ng kahirapan, pursigido pa ring mag-aral ang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa istorya ng isang estudyante mula sa Cambodia na gumagamit lamang ng bag na gawa sa straw sa paaralan.

Sa isang article mula sa Manila Papers, napag-alamang ipinost ng guro nito ang lagay ng bata sa social media.

Ayon sa guro na nakilala sa pangalang Suon, isang magsasaka ang ama ng bata na walang kakayahang makabili ng kahit na simpleng bag lang para sa anak.

Ngunit sa kabila nito ay nais nitong sa kanyang pamamaraan ay may magamit ang anak sa eskwelahan.

Sa pamamagitan ng straw ay humabi ito ng isang bag para sa anak.

Nang makita ito ng gurong si Suon ay ibinahagi niya ito sa social media na naging daan upang makatanggap ng tulong ang pamilya ng bata.

“People said that it’s heartwarming, touching, cool and creative father, love this bag,” ayon sa post ni Suon.

“Few foreigners asked for contact to send him the bags and my school leader already send his contact for them,” pagbibigay-alam pa nito sa netizens.

Marahil ay hindi na bago ang istoryang ito para sa ating mga Pilipino. Ngunit nakakalungkot pa ring isipin na may mga musmos na kailangang magsakripisyo makamit lang ang edukasyon na tila ipinagdadamot ng tadhana sa marami.

Sa kabila nito, nakatutuwa pa ring isipin na may mga taong handang tumulong sa mga katulad ng estudyanteng ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel