10M followers na! Raffy Tulfo, namahagi ng biyaya sa staff at sa mga complainant

10M followers na! Raffy Tulfo, namahagi ng biyaya sa staff at sa mga complainant

- Umabot na sa 10 million ang subscribers ni Raffy Tulfo sa kanyang YouTube Channel

- Bilang pagbabahagi ng kanyang tagumpay na tinamasa, namahagi siya ng bonus sa kanyang staff

- ₱10,000 ang natanggap na bonus ng kada empleyado ng sikat na broadcast journalist at host ng programang "Aksyon sa Radio"

- Maging ang mga nakapilang complainant nang araw na iyon ay nabahagian ng biyaya dahil pinakain din sila ng kanilang Idol Raffy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tumataginting na 10 million na ang subscribers ng sikat na broadcast journalist na si Raffy Tulfo sa kanyang YouTube channel.

Sa episode ng kanyang programang Raffy Tulfo in Action na isina-ere nitong Pebrero 19, pinakita niya ang masasayang mukha ng mga taong nabahagian niya ng biyaya dahil sa tagumpay na tinamasa ng kanilang programa.

Nalaman ng KAMI na umabot sa ₱10,000 kada empleyado ang binigay na bonus ng kanilang boss na si Raffy Tulfo.

Ang nakamamangha pa sa kanila, maging ang sandamakmak na complainant sa labas ng kanilang tanggapan ay nakatanggap ng biyaya dahil pinakain sila ni Tulfo.

Kanin at ilang putaheng ulam ang ang nakabusog sa mga taong matiyagang pumila sa araw na iyon.

Bukod pa rito, namahagi din ng panghimagas na ice cream at taho ang mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Laking pasasalamat nila dahil bukod sa matutulungan sila ng kanilang 'Idol', sulit naman ang pagpila nila dahil nakakain na rin sila.

Bukod sa mga taong ito, labis na kasiyahan din ang nadarama ng staff ni Tulfo.

Bawat isa kasi sa kanila ay nakatanggap ng sobreng naglalaman ng kanilang bonus dahil naniniwala si Tulfo na bahagi din ang mga ito ng tagumpay ng kanilang channel.

2011 nang magsimula ang programa niyang Wanted sa Radyo, habang ang kanyang programang Aksyon sa Tanghali ay nagmula noong 2014 hanggang kasalukuyan.

Samantala, ang kanyang YouTube channel na Raffy Tulfo in Action ay binuo noong April 20, 2016 ang ngayong taon, nakaabot na ito sa 10.3 million subscribers.

We challenged Kris Bernal and her fiancé Perry Choi to do 'My boyfriend does my makeup challenge'.

My boyfriend does my makeup challenge With Kris Bernal | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel