HS student na nagtapos, masayang 'di siya pinalakpakan sa pagtanggap ng diploma

HS student na nagtapos, masayang 'di siya pinalakpakan sa pagtanggap ng diploma

- Ginusto ng isang estudyante sa Carmel High School na huwag siyang papalakpakan sa pagkuha niya ng kanyang diploma

- Agad itong pinakiusap ng kanilang punongguro sa umpisa ng seremonya

- Inuna na rin ang estudyanteng ito sa pamamahagi ng diploma at sinuportahan naman siya ng mga kamag-aral

- Walang ni isa na pumalakpak ng malakas at tanging mga damping mahina at halos walang tunog na palakpak ang ginawa ng ilan

- Ang iba naman ay tumayo bilang pagpupugay na rin sa pagtatapos ng kamag-aral

- Hinangaan ang paaralan ng estudyanteng ito sa pagsuporta sa tulad niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taliwas sa nakagawiang pagpalakpak at minsan pa nga'y paghiyaw habang may tumatanggap ng diploma sa mga graduation rites, isang estudyante sa Carmel High School at tila natuwa pa nang di siya pinalakpakan ng mga kamag-aral.

Binahagi ng Mana Maoli ang nakakaantig ng pusong video na ito ni Jack Higgins na kasama sa mga nagtapos sa naturang high school noong 2019.

May kakaibang kondisyon si Jack kung saan labis siyang nababalisa at sobrang sensitibo niya sa malalakas na tunog.

Kaya naman sa mahalagang araw na ito, kinausap na agad ng kanilang Principal na si Lou Riolo at mga kapwa magsisipagtapos ni Jack na kung maaari at walang anumang tunog ang gawin lalo na ang pagpalakpak sa pagkuha nito ng kanyang diploma.

Ito ay upang maging maayos ang pagkuha ni Jack ng kanyang diploma lalo pa at napakalaking bagay nito para sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Minabuti na rin ng punongguro na unahin si Jack sa bahagi ng pamimigay ng katibayan ng pagtatapos.

Sa pag-akyat nito sa entablado, walang anumang ingay ang narinig mula sa mga manonood.

Sa halip, tumayo ang lahat at ang ilan ay pumalakpak pa rin ng walang tunog at halos magdampi lang ang kanilang kamay bilang pagsuporta sa kanilang kamag-aral.

Labis na hinangaan ang paaralang ito sa pagpapahala sa mga espesyal na estudyante tulad ni Jack.

Sa ngayon, mayroong mahigit 7 million views na ang nakakatunaw ng puso na video na ito:

We challenged Kris Bernal and her fiancé Perry Choi to do 'My boyfriend does my makeup challenge'.

My boyfriend does my makeup challenge With Kris Bernal | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel