Tinderang lola, naging emosyonal nang kumpiskahin ang kariton at paninda niya

Tinderang lola, naging emosyonal nang kumpiskahin ang kariton at paninda niya

- Tampok sa social media ang litrato ng isang lola na kinumpiska ang karitong gamit at mga paninda nito

- Nakasama ang lola sa ginawang clearing operations ng lokal na pamahalaan ng Maynila ngayong Miyerkules

- Kamakailan lang ay nag-utos ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay na linisin ang mga pampublikong kalsada

- Samantala, ang mga netizens naman ay may iba’t-ibang komento sa viral na litrato ni lola

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang isang lola na nagtitinda sa Maynila ngayong Miyerkules.

Nalaman ng KAMI na naging emosyonal ang tindera dahil siya ay apektado ng clearing operation na isinagawa ng local na pamahalaan.

Ayon sa ulat ng GMA News, kinumpiska ang kariton na gamit ni lola at mga paninda niya.

Kamakailan ay binigyan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng 75 na araw ang mga barangay upang linisin ang mga pampublikong daanan.

“I direct LGUs, especially the barangays, to clear local roads and sustain the gains of the road-clearing operations with the same urgency and enthusiasm,” sabi ni Interior Secretary Eduardo Año noong Lunes.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, ang larawan naman ni lola habang siya ay umiiyak ay naging viral sa social media. Maraming mga netizens ang nagbigay ng komento sa post na ito. Narito nga ang ilan sa kanila:

“Sobrang sakit sa pkiramdam yung pag mahirap ka na ang hangad mo lang mairaos ang maghapon na pagkain pero ganito kasaklap ang buhay. Magtiwala tayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon may nakalaan para sa di nawawalan ng pag asa.”
“Sana bago mag clearing operation hinanapan muna sila ng tamang lugar na pagtitindahan na may kaukulang permiso kesa nga naman magnakaw at gumawa sila ng masama eh nagbabanat naman sila ng buto gaya nyang pagtitinda para pambuhay sa kanilang pamilya.Nakakalungkot lang mahirap talagang maging mahirap.”
“Minsan kc ung ibang vendor kht maayos na pinapaalis balik2 din kea ending nagkakaganyan the kukuha ng simpathy s mga netizen.”
“oo ngat nakakaawa sila pero wag kc matigas ulo pg bawal po bawal. Be law abiding citizen po tayo.”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Exclusive Interview: How Did Kris Bernal And Perry Choi Meet? Let's find out how the famous Filipina actress Kris Bernal and her non-showbiz boyfriend Perry Choi met. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel