Lumang libro ni Dean Koontz, nahulaan umano ang coronavirus sa Wuhan noong 90s

Lumang libro ni Dean Koontz, nahulaan umano ang coronavirus sa Wuhan noong 90s

- Trending ngayon sa social media ang libro ni Dean Koontz na “The Eye of the Darknes”

- Napansin ng ilang mga netizens na nabanggit sa libro ang “Wuhan-400” virus na ginamit umano ng China bilang biological weapon

- Subalit, napag-alaman naman na ang “Wuhan-400” ay mula sa ibang bersyon na ng libro na inilabas noong 1990s

- Tinawag na “Gorki-400” ang virus sa unang bersyon ng libro at gawa umano ito sa Russia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok ngayon sa social media ang libro ng sikat na awtor na si Dean Koontz dahil nahulaan umano nito ang Corona Virus Disease (COVID-19) noon pa.

Nalaman ng KAMI na sa libro niyang “The Eye of Darkness” ay nabanggit ang virus na “Wuhan-400.”

Ibinahagi ng mga netizens na sa libro ay gumagawa ng virus ang mga Chinese military lab bilang parte ng kanilang mga biological weapon.

“It was around then that a Chinese scientist named Li Chen defected to the United States, carrying a diskette record of China’s most important and dangerous new biological weapon in a decade,” sabi sa libro.

“They call the stuff ‘Wuhan-400’ because it was developed at their RDNA labs outside of the city of Wuhan, and it was the four-hundredth viable strain of man-made microorganisms created at that research center.

“’Wuhan-400 is a perfect weapon. It afflicts only human beings. No other living creature can carry it,’” dagdag pa nito.

Ayon naman sa ulat ng Mothership, ang libro na ito ay na-publish noong 1981. Sa unang bersyon ng libro, ang virus ay tinawag na “Gorki-400” at ito ay gawa sa Russia at hindi sa China.

Lumang libro ni Dean Koontz, nahulaan umano ang coronavirus sa Wuhan noong 90s

Screenshot from Mothership
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit, noong 1990s ay may inilabas na bagong bersyon umano ng libro at doon na ito tinawag na “Wuhan-400.”

Kamakailan nga ay laganap ang Corona Virus Disease na unang nagsimula sa Wuhan, China. Nasa lagpas 1,800 na rin ang naitatalang namatay dahil sa virus na ito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Exclusive Interview: How Did Kris Bernal And Perry Choi Meet? Let's find out how the famous Filipina actress Kris Bernal and her non-showbiz boyfriend Perry Choi met. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel