Pares vendor na walang-awang hinoldap at binaril, nasa kritikal na kondisyon

Pares vendor na walang-awang hinoldap at binaril, nasa kritikal na kondisyon

- Sapul sa CCTV ang pagnanakaw at pamamaril sa isang pares vendor sa Tondo, Maynila

- Makikitang nanlaban ito upang di makuha ang kanyang kita ngunit armado ang holdaper

- Nang di ito makuha ng lalaki, doon pinaputukan ang kaawa-awang tindero dahilan upang maging kritikal ang kanyang kalagayan

- Mabilis na nakatakas ang holdaper at pinaghahanap na ngayon ng awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kitang-kita sa CCTV footage kung paano walang awa na hinoldap ang isang pares vendor sa Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ng GMA News, kitang-kita kung paano pilit na kinukuha ng suspek ang bag ng tinderong nakilalang si Samson Bautista.

Mapapansin ding may hawak na baril ang suspek na nakatutok na kay Samson na pilit na nanlalaban upang di makuha ang kanyang kita.

Nang di makuha ng holdaper ang bag, doon na niya pinaputukan sa leeg ang kaawa-awang tindero ng pares.

Walang nagawa ang isa pang lalaking nahagip ng video na tila natakot din dahil sa armado ang suspek.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mabilis na nakatakas ang suspek ngunit napag-alamang dati na itong nakagawa ng krimen kaugnay ng iligal na droga.

Naglabas ng lumang mugshot ang Philippine Star ng suspek na nakilalang si Rowell Brillantes na nakulong na noong 2017.

Malaking bagay daw ito upang agad na mahuli ang holdaper na ito.

Kasalukuyan namang nasa kritikal na kalagayan ang tindero dahil sa tama ng bala sa kanya.

We challenged Kris Bernal and her fiancé Perry Choi to do 'My boyfriend does my makeup challenge'.

My boyfriend does my makeup challenge With Kris Bernal | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel