BIR, kinumpirmang walang kulang sa binabayarang buwis ang ABS-CBN

BIR, kinumpirmang walang kulang sa binabayarang buwis ang ABS-CBN

- Nagkomento na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kumakalat na isyu umano ng ABS-CBN sa buwis nila

- Giit ng BIR, walang pending na tax issue ang ABS-CBN sa kanila at isa nga ito sa bigating taxpayer ng bansa

- Pinaliwanag ng BIR na sister company ng ABS-CBN ay may pending na kaso sa Court of Tax Appeals

- Nitong nakaraang 17 na taon ay umabot sa P70.5 billion ang binabayarang buwis ng ABS-CBN sa BIR

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang mga spekulasyong may utang na buwis ang broadcasting network na ABS-CBN sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nagkomento naman ang ahensya ng gobyerno ukol dito.

Nalaman ng KAMI na kinumpirma ng BIR na walang tax liabilities o kulang sa binabayarang buwis ang ABS-CBN.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, inilinaw ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa na walang pending na tax issue ang ABS-CBN sa kanila.

“Wala... walang pending with us,” giit niya.

Paliwanag ni Guballa, sister company ng ABS-CBN ang may pending na kaso sa Court of Tax Appeals (CTA).

“Sister company nila (ABS-CBN) ‘yun... it’s pending with CTA. All the rest wala,” sabi niya.

Ayon sa isang tweet ng ABS-CBN News, ang sister company na ito ay ang Star Songs na subsidiary ng ABS-CBN na ngayon ay parte na ng Star Cinema.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa ni Guballa, nagbayad ng P70.5 billion na buwis ang ABS-CBN sa nagdaang 17 na taon. Isa na nga ang kompanya sa mga bigating taxpayer ng bansa.

Samantala, nauna nang naibalita ng KAMI na agad itinanggi ng ABS-CBN sa isang pahayag ang paratang na may utang silang buwis sa gobyerno.

Isa ang ABS-CBN sa mga malalaking TV network sa Pilipinas. Naitayo ito noong 1946 at simula noon ay maraming mga artista at palabas na itong napasikat sa bansa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Exclusive Interview: How Did Kris Bernal And Perry Choi Meet? Let's find out how the famous Filipina actress Kris Bernal and her non-showbiz boyfriend Perry Choi met. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel