Pagkatapos ni Songbird, statement ni Boy Abunda, binatikos ni Drew Olivar

Pagkatapos ni Songbird, statement ni Boy Abunda, binatikos ni Drew Olivar

- Ayaw paawat ng kontrobersiyal na blogger at solid Duterte supporter na si Drew Olivar sa kanyang mga banat sa ilang celebrities ng ABS-CBN

- Noong nakaraan lamang ay naglabas ito ng tirada laban sa naging pahayag ni Songbird Regine Velasquez ukol sa isyu ng renewal ng Kapamilya network

- At hindi pa ito natapos doon nang si Boy Abunda naman ang binanatan nito

- Talagang napa-react ang ilang netizens sa kanyang matapang na pahayag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagpaawat ang kontrobersiyal na blogger at solid Duterte supporter na si Drew Olivar sa kanyang mga tirada laban sa ilang celebrities ng ABS-CBN.

Kaugnay ito nang bantang pagsasara sa isa sa mga giant network sa bansa dahil sa renewal ng prangkisa nito.

Kamakailan lang ay may maanghang na pahayag si Olivar laban kay Asia's Songbird Regine Velasquez sa social media matapos mag-ere ng suporta si Songbird para sa Kapamilya network, na una nang naiulat ng KAMI.

At hindi pa ito natapos doon dahil maging ang Kapamilya host na si Boy Abunda ay nakatikim din ng tirada mula kay Olivar.

Ayon sa isang post ng huli, ginagamit lang daw ni Abunda ang ina nitong pumanaw na upang makakuha ng simpatiya sa tao.

Ito ay matapos maglabas ng statement si Abunda kung saan binanggit nito ang usapan diumano nila ng ina tungkol sa Dos.

Hirit pa ni Olivar, paano raw ba malalaman ng publiko na totoong sinabi ng ina ni Abunda ang mga sinabi nito gayong pumanaw na ito.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Olivar mula sa kanyang Facebook account:

"Dear Tito Boy,

Gagamitin mo nanaman nanay mo sa mga statement mo.

Patay na ang nanay mo TITO BOY..

PAANO namin malalaman na totoong sinabi nya yan??

At bakit mo gagamitin ang statement ng nanay mo??para kumuha ng SIMPATYA??

Anlakas nyong makaSHOWBIZZ!!!

Alam nyo kasi na kapag ginamit ang salitang "NANAY" ay nakakalambot sa puso.. nakakakuha ng audience at kadamay.. che

PWEDE ba TITO BOY wag mo kaming baklain kasi ikaw 20 years kang nagtratrabaho sa ABS CBN at ako naman ay 30 plus ng BAKLA!!!

Pambansang bakla ako at wag mo kaming babaklain ng mga ganyang statement..

Kung ikaw ay BOTTOMLINE ako naman ay SUPER ULTRA BOTTOM...

Tigilan mo kami!! Hindi pang SHOWBIZ ang buhay ng bawat PILIPINO!!

Nagmamahal

MOTHER NANAY MILDRED"

Talagang napa-react ang ilang netizens sa kanyang matapang na pahayag.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel