87-anyos na mister, inaalagaan pa rin ang misis kahit pareho silang mayroong COVID-19

87-anyos na mister, inaalagaan pa rin ang misis kahit pareho silang mayroong COVID-19

- Umantig sa puso ng marami ang larawan ng mag-asawang tinamaan ng COVID-19

- Inilipat mula sa ibang ward ang 87-anyos na mister upang maalagaan ang misis

- Bukod kasi sa pagkakaroon ng nakamamatay na karamdaman, may Alzheimer's disease pa ang misis

- Hindi raw kumakain ang misis kaya naman inilapit na ang kanyang mister sa kanya upang maalagaan na rin siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang nakakaantig ng pusong video ng mag-asawang tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa Wuhan, China.

Ayon sa xinhuanet.com, hindi raw kumakain ang misis kaya naman inilipat nila mula sa ward ang mister nitong naka-swero rin.

Nalaman nilang mayroon pa lang Alzheimer's disease ang misis, pitong taon na ang nakalipas kaya naman nakadagdag pa sa hirap ng sitwasyon nito ang pagkakaroon nila ng COVID-19.

Mabuti na lamang, sa kabila ng kanyang edad na 87, kayang-kaya pa rin nitong alagaan at pakainin ang misis.

Kitang-kita sa video na ganado namang kumain ang babae nang sinusubuan siya ng kanyang asawa ng kanilang pagkain.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maayos namang naalagaan ang dalawa sa ospital at nakaalalay pa rin ang mga health workers sa mister lalo pa at mayroon din itong COVID-19.

Mabuti na lamang at mas malakas-lakas pa ang lalaki sa babae kaya naman nagagawa pa rin niya itong kalingain.

Marami ring netizens ang namangha sa katatagan ng mag-asawa lalo na ng mister.

Pinakikita kasi nila ang kanilang sinumpaan na sa hirap at ginahawa, sila pa rin ay magsasama.

Narito ang kabuuan ng video:

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel