Video ng OFW na nagpanggap na "regalo" para masurpresa ang mga anak, viral

Video ng OFW na nagpanggap na "regalo" para masurpresa ang mga anak, viral

- Umantig sa mga puso ng netizens ang video ng OFW na sinurpresa ang mga anak

- Nagtago pa sa loob ng malaking kahon na binalot ang OFW at ito'y nagmistulang isang regalo

- Pagbukas ng kahon, agad niyang niyakap at hinagkan ang kanyang mga anak

- Naluha ang ilang netizens sa tagpong ito dahil alam ng karamihan sa kanila ang hirap na mawalay sa kanilang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang kakaibang effort na ginawa ng isang OFW para masurpresa ang kanyang mga anak.

Binahagi ng Pinoy Rap Radio ang video kung saan nagmistulang isang regalo ang OFW na kadarating lamang mula abroad.

Nagtago kasi ito sa isang malaking kahon na may balot, habang ginigising ang kanyang mga anak.

Mahimibing na natutulog na kasi noon ang kanyang mga anak na walang kaalam-alam sa nangyayari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang buksan na nga ng dalawang bata ang kahon, nagulat sila nang makita ang kanilang ama na nasa loob nito.

Agad naman silang niyakap at hinagkan ng ama na umaaapaw ang kaligayahan dahil kasama na muli niya ang kanyang pamilya.

Samantala, aminado ang ilang netizens na naluha sila sa tagpong ito lalo na iyong mga OFW din dahil alam nila ang pakiramdam ng pananabik na makasama ang mga mahal sa buhay lalo na ang kanilang mga anak.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakaiyak naman to, talagang sinurpresa pa noong magulang yung mga anak niya"
"Alam ko yung ganyang pakiramdam. mas sabik ako na makasama ang mga anak ko"
"Sana hinintay na lang nilang magising ang mga bata, pero ok na rin kasi supresa nga e"
"Ang pinakamasarap na pakiramdam sa buong mundo, yung makasamang muli ang mga mahal sa buhay"
"Naluha ako, nag-effort pa talaga yung OFW na maalgay sa kahon para surprise sa mga anak"

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel