Comment ni Regine Velasquez sa renewal ng Dos, sinupalpal ni Drew Olivar

Comment ni Regine Velasquez sa renewal ng Dos, sinupalpal ni Drew Olivar

- Ginamit ni Drew Olivar ang mga kanta at album ni Regine Velasquez para sagutin ang naging pahayag ni Songbird kaugnay ng renewal ng ABS-CBN

- Matapang ang naging tirada ni Olivar laban kay Velasquez sa pamamagitan ng social media post

- Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens

- Matatandaang naging kontrobersiyal ang paglipat ng tinaguriang Asia's Songbird sa Kapamilya network matapos ang ilang taon nito sa GMA 7

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maanghang ang binitiwang mga salita ni Drew Olivar laban kay Regine Velasquez kaugnay ng naging pahayag nito sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa viral post ni Olivar, isa sa mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, ginamit nito ang mga kanta at album ni Velasquez para sagutin ang pahayag ni Songbird.

Matatandaang nag-ere ng kanyang opinyon si Velasquez sa kanyang social media account kamakailan bilang suporta nito sa network.

Sinagot naman ito ni Olivar sa pamamagitan din ng socmed at nag-iwan ng maanghang na tirada laban sa Songbird.

Narito ang kabuuan ng post ni Olivar mula sa kanyang Facebook account:

SASAGUTIN KITANG REGINE VELASQUEZ ka!! akala mo di kita papatula@n.buong album mo isasa@mpal ko

DEAR REGINE,

Syempre "ARAW GABI" pinapanood namin sila at "HANGGANG NGAYON" napapanood parin namin sila kahit mag "SHINE" ang ARAW or "TUWING UMUULAN" ay pinapanood namin sila. "NARITO AKO" at kaming "ISANG LAHI" na nagsasabing "ITS HARD TO SAY GOODBYE" and "I'LL NEVER SAY GOODBYE" pero "WHAT KIND OF FOOL I AM" na tangkilikin pa ang ABS CBN kung ang tingin nila sa sarili nila ay "UNBREAKABLE" at yung "PANGAKO" nila na in the service of the filipino people ay hindi nila mapangatawanan. "SANA MAULIT MULI" yung pagpapasara sa ABS CBN at "DADALHIN" sila sa kangkungan kasi may "REASON ENOUGH" na(char) . "SANA NGA" makita ko ng personal na sinasara na ang ABS CBN because "I DONT WANNA MISS A THING". Wag kang magagalit sakin hah and "PLEASE BE CAREFUL WITH MY HEART".

"SOMETIME OR SOMEWHERE" at "KUNG MAIBABALIK KO LANG" sana hindi ka na lumipat para di ka naprepressure jan sa network nyo ngayun.. eh paano mas mahalaga sayo ang fame at per@ kasi ang per@ ay ang TANGING MAHAL" at " IKAW ANG LAHAT SAAKIN" per@..

"I NEVER DREAMED SOMEONE LIKE YOU" na magsasalita tungkol sa mga ganitong issue eh kababago bago mo palang jan at hndi mo naman alam ang nangyari jan.

"IN YOUR EYES" akala mo hindi na kami mabubuhay kapag wala sina VICE, CARDO at KATHNIEL?? "IT DOESNT GET BETTER THAN THIS" teh? "IS THIS FEELING FOR REAL" teh??

HINDI SILA ANG BUBUHAY samin dahil "LOVE WILL KEEP US ALIVE"!!

O sya REGINE " PAALA" na at "MINSAN LANG KITANG IIBIGIN" bilang isang BIRITERA. Yun lang

Bye

REGINE

BOOOOOOO!!

REGINE REGINE

BOOOOOO BOOOOOO

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens. Mayroong nakisakay sa gimik ni Olivar pero mayroon din namang hindi nagustuhan ang sinabi nito.

Magugunitang naging kontrobersiyal ang paglipat ng tinaguriang Asia's Songbird sa Kapamilya network matapos ang ilang taon nito sa GMA 7.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, isa pang supporter ni PRRD at beteranong journalist ang hinamon si Senator Grace Poe kaugnay ng planong Senate hearing para sa renewal ng ABS-CBN.

Ayon kay Jay Sonza, dapat daw na hingan din ng pahayag ang ilang personalidad na nagkaroon ng "isyu" sa Kapamilya network tulad nina Willie Revillame, Mel Tiangco at Erwin Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel