Video ng babaeng lakas loob na nagpropose sa crush pero "nabasted", viral

Video ng babaeng lakas loob na nagpropose sa crush pero "nabasted", viral

- Viral ang video ng proposal ng isang babae sa lalaking kanyang napupusuan

- Sa kasamaang palad, di ito tinanggap ng lalaki at nagawa pa siya nitong iwan

- Naiyak ang babae dala marahil ng kahihiyan at agad naman itong niyakap ng mga kaibigan niyang suportado siya

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang video ngunit ang karamihan ay naawa sa sinapit ng babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena ngayon sa social media ang video ng isang babae na nagtapat ng pag-ibig sa kanyang "crush."

Ginanap pa ito sa isang mall kung saan maraming tao ang kapansin sa kanila.

Dumating ang lalaki na nakapiring pa ang mga mata bilang bahagi ng 'surpresa'.

Di nagtagal, lumapit na ang babae na may dalang ilang piraso ng bulaklak.

Kasabwat pa umano ng babae ang kanyang mga kaibigan na may hawak ng mga letrang bumubuo sa "Will you be my man?"

Kahit may kalayuan ang kuha ng video, mapapansing sa umpisa pa lang ay di na komportable ang lalaki.

Nakuha pa nitong tawagin ang kanyang kasama na animo'y humihingi ng saklolo.

Di nagtagal, tila may sinabi na ang lalaki at tinalikuran na ang babaeng noo'y nagpapahid na ng panyo sa kanyang mga mata.

Napatakbo na lamang ang babae sa kanyang mga kaibigan na agad naman siyang niyakap.

Binahagi ang video ng Buhay Abroad at umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.

Karamihan ay naawa sa babaeng todo effort para sa kanyang minamahal habang ang iba naman ay napangaralan pa ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Juice miyo iba na talaga panahon ngayon yong girl na gumagawa ng moves...hahaiiii...sa asawa ko dyan baka may mg propose sayo ha.....umayos ka..."
"Atleast pinatunayan niya na Mahal niya ang lalaki db.kahit basted atleast alam na niya Para may lesson na siya."
"Haay, saklap naman nito kaso ganun talaga ang buhay... lesson learned girl"
"So sad, basted siya pero mabuti na rin niyan para kesa naman saktan din siya sa balang araw"
"Sad ng valentine's ni girl pero may friends ka naman na love na love ka o!"

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel