Mga OFW, maaari nang makapagtrabaho at makabalik muli sa Macau at Hong Kong

Mga OFW, maaari nang makapagtrabaho at makabalik muli sa Macau at Hong Kong

- Pinayagan na ng gobyerno na muling bumalik sa Hong Kong at Macau ang mga overseas Filipino workers (OFW) doon na nagbakasyon lang sa Pinas

- Ang mga OFW na nais bumalik sa dalawang lugar na iyon ay bibigyan ng health waivers

- Nangako naman ang Department of Foreign Affairs na patuloy nilang babantayan ang mga OFW kahit na sila ay bumalik doon

- Tanging mga OFW lang ang maaaring lumipad papunta sa Hong Kong at Macau

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang mga overseas Filipino workers (OFW) ay pinapayagan na ng gobyerno na muling makabalik at makapagtrabaho sa Macau at Hong Kong.

Nalaman ng KAMI na itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang travel ban sa Macau at Hong Kong kahit na patuloy ang paglaganap ng Corona Virus Disease (COVID-19).

Ayon sa ABS-CBN News, sumangayon na ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na payagan ang mga Filipino migrant workers na makapunta muli sa dalawang lugar na iyon.

“OFWs returning for work in HongKong and Macau have been exempted from the outbound travel ban by the IATF-EID, subject to certain procedural formalities,” sabi ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay.

Samantala, sinabi naman ni DFA Secretary Teddy Locsin Jr. na hindi nila pababayaan ang mga Pinoy na nais bumalik sa dalawang lugar na iyon at may pipirmahan ang mga ito na health waivers.

“Don’t worry, they’ll sign health waivers but we won’t waive our obligation to take care of them wherever they are. We at DFA are not cowards or shirkers. They are our people and we will never ever abandon them,” sabi ni Locsin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang naibalita ng KAMI na aprubado na ng China ang isang gamot kontra Corona Virus Disease.

Ang COVID-19 ay naunang kumalat sa Wuhan, China. Naitalang nasa 1,868 na ang namatay sa China dahil sa sakit na ito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Exclusive Interview: How Did Kris Bernal And Perry Choi Meet? Let's find out how the famous Filipina actress Kris Bernal and her non-showbiz boyfriend Perry Choi met. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel