63-anyos na misis, nakatatanggap pa rin ng mga bulaklak mula sa mister na pumanaw na

63-anyos na misis, nakatatanggap pa rin ng mga bulaklak mula sa mister na pumanaw na

- Isang 63-anyos na misis sa Kentucky, USA ang nakatatanggap pa rin ng bulaklak mula sa kanyang mister na yumao na

- Maging ang mga anak nila ay natutuwa tuwing nakatatanggap pa rin ang kanilang ina ng bulaklak sa kanyang kaarawan na isang araw lamang bago ang Araw ng mga Puso

- Ito raw ang nakagawian na talagang gawin ng mister noong ito'y nabubuhay pa lamang

- Kaya naman kahit nasa walong taon nang wala ang mister, ramdam pa rin ng misis ang pagmamahal nito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang namangha sa kwento ni Tracey Cox , isang 63-anyos na ginang na mula Kentucky, USA na nakatatanggap pa rin ng mga bulaklak mula sa kanyang mister na si Rich Cox kahit ito'y pumanaw na.

Ayon sa LEX18 News, 2012 nang ma-diagnose si Rich ng lung cancer at sa kasamaang palad, sumakabilang buhay na ito noong 2013.

Ngunit mula nang mamayapa ang mister, di pa rin nagmimintis ang pagdating ng mga bulaklak para kay Tracey tuwing sasapit ang kanyang kaarawan na isang araw lamang bago ang Araw ng mga Puso.

Nalaman ng KAMI na taon-taon, dumarating ang mga bulaklak na mayroon pang note na mula raw sa kanyang kabiyak na si Rich.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa kanilang mga anak, sadyang nakagawian na ito ng kanilang ama noong nabubuhay pa.

Katunayan, ayaw ni Rich na maputol ang nakagawian na kaya naman ibinilin niya ito sa kanilang mga anak noong siya ay nabubuhay pa.

Kaya naman wala pa ring mintis ang pagtanggap ni Tracey ng surpresa tuwing siya ay magdiriwang ng kaarawan at Araw ng mga Puso.

Imbis na malungkot, nakararamdam pa rin daw si Tracey ng kilig at kaligayahan tuwing natatanggap niya ang mga bulaklak at ang note na kalakip nito taon-taon.

At kahit wala ang kanyang mister, ramdam pa rin niya ang pagmamahal nito sa pamamagitan ng mga ganitong surpresa na mula rin pala talaga sa mga taong mahal niya

How well do you know the smile of you favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel