Tiyo ng namatay sa pag-araro ng jeep sa Makati, nagsisi na di nasundo ang alaga

Tiyo ng namatay sa pag-araro ng jeep sa Makati, nagsisi na di nasundo ang alaga

- Labis na nanghihinayang ang tiyo ng namatay na si Jules Villapando, ang binatilyong nasawi sa pagragasa ng jeep sa Makati City

- Sinusundo raw niya kasi si Jules at nagkataong di niya ito nasundo nang araw na naganap ang aksidente

- Sa isinagawang drug test sa driver ng jeep na si , lumabas na positibo ito sa paggamit ng iligal na droga

- Ihahatid na sa huling hantungan ang mga labi ni Jules, ngayong araw, Pebrero 18

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalo pa umanong nakadagdag sa hinagpis sa tiyo ni Jules Villapando na si Ralph Martinez ang panghihinayang na di niya ito nasundo noong araw na naganap ang aksidente.

Ayon sa panayam ng GMA news kay Martinez, mas masakit isipin na pumanaw si Jules sa ganoong paraan na sana'y ssinundo pa rin niya nang gabing iyon.

Si Jules ang estudyanteng namatay sa pag-araro sa kanilang ng jeep noong Pebrero 12 kasama ang pito pang kapwa niya tumatawid sa pedestrian lane sa Barangay Poblacion, Makati City.

Nalaman ng KAMI na nasa tamang tawiran noon sina Jules at ilang pang mga kapwa niya estudyante nang biglang inararo sila ng jeep.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sapul sa CCTV ang pangyayari at doon nakitang nag-overtake pala ang jeep kahit na dapat ay nakahinto na lamang ito.

Samantala, nagsagawa rin ng drug test sa driver na si Crisalde Tamparo kung saan lumabas na positibo ito sa paggamit ng iligal na droga.

Sa naunang ulat ng KAMI, lumabas na ito ang dahulan kung bakit di ito nakapagbigay ng lisensya nang hinihingi na ito sa kanya.

Ihahatid na sa huling hantungan si Jules ngayong Pebrero 18.

How well do you know the smile of you favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel