Polio alert: Ilog sa Cebu, nagpositibo sa poliovirus ayon sa DOH
- Nagpositibo sa poliovirus ang Butuanon River sa Mandaue City, Cebu, ayon mismo sa Department of Health
- Ito ay matapos i-test ang mga samples mula sa nasabing ilog at kinumpirma ng Research Institute of Tropical Medicine
- Ayon sa ahensiya, patuloy daw ang kanilang aksyon laban sa pagkalat ng polio sa bansa
- Batay sa mga ulat na lumabas, umabot na sa 17 ang kumpirmadong kaso ng polio sa Pilipinas sa kasalukuyan mula noong Setyembre 2019
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Nagpositibo sa poliovirus ang Butuanon River sa Mandaue City, Cebu, ayon mismo sa Department of Health (DOH).
Ito ay matapos i-test ang mga nakolektang samples mula sa nasabing ilog at kinumpirma ng Research Institute of Tropical Medicine, base sa ulat ng Cebu Daily News.
“DOH also reported that environmental samples collected from Butuanon River, Cebu, tested positive for the poliovirus as confirmed by the Research Institute of Tropical Medicine," sabi statement ng DOH.
Ayon sa ahensiya, patuloy daw ang kanilang aksyon laban sa pagkalat ng polio sa bansa.
"DOH continues to implement the Sabayang Patak Kontra Polio (SPKP) campaign in the National Capital Region, and all regions of Mindanao. The succeeding SPKP round will run from February 17 – March 1 in all regions of Mindanao and February 24 – March 8 in Metro Manila."
Batay sa mga ulat na lumabas, umabot na sa 17 ang kumpirmadong kaso ng polio sa Pilipinas sa kasalukuyan mula noong Setyembre 2019.
Pinakahuling biktima ang isang 1 taong gulang na bata sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija.
“The patient manifested with fever and sudden onset weakness of the left lower limb. The case was detected through surveillance of AFP (Acute Flaccid Paralysis cases) in the communities done and reported by barangay health workers,” ayon sa statement ng DOH.
Ayon sa World Health Organization (WHO) ang polio ay isang "highly infectious disease" na nakakaapekto sa nervous system at maaaring maging sanhi ng pagkaparalisa.
Posible rin ang person-to-person transmission ayon sa mga eksperto.
Ayon kay Dr. Abigail Rivera, isang pediatrician, sa isang panayam dito ng DZMM noong 2019 tungkol sa polio, maipapasa ang virus sa pamamagitan ng pagkain o tubig.
"So yung virus mapapasa mo siya nang nakakain mo siya o tubig nainom mo siya tapos yung virus nagre-replicate siya sa bituka natin. So pag ang dumi na iyon ay napunta sa tubig so dun siya pumapasok," anito.
Karaniwang mga batang 5 taong gulang pababa ang may posibilidad na makakuha ng sakit na ito.
Ilan sa mga sintomas nito ay ang mga sumusunod:
- lagnat
- fatigue
- pananakit ng ulo
- pagsusuka
- paninigas ng leeg
- pangangalay ng mga kamay at paa
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!KAMI
Source: KAMI.com.gh