Mag-asawa, isinakripisyo ang sarili para iligtas ang apo mula sa sunog

Mag-asawa, isinakripisyo ang sarili para iligtas ang apo mula sa sunog

- Parehong nasawi ang isang retiradong judge at ang misis nito sa loob ng nasunog nilang bahay sa Cebu

- Ayon sa kapatid ng lalaki, binalikan ng mag-asawa ang kanilang apo na isang special child

- Natagpuan ang bangkay ng dalawa matapos maapula ang apoy ngunit hindi nakita ang binalikang apo

- Sa kabila ng nangyari, umaasa pa rin ang mga kaanak ng mag-asawa na buhay pa ang 21-anyos na binata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hanggang sa huli ay pinatunayan ng isang mag-asawa sa Cebu ang kanilang pagmamahal para sa kanilang apo.

Isa ang tahanan ng mga Gestopa sa mga tinupok ng apoy madaling araw ng Lunes, Pebrero 17, sa Mandaue City, ayon sa ulat ng Cebu Daily News.

Ayon sa kapatid ng retiradong judge na si Gerardo Gestopa nakalabas na raw ito at ang misis nito na si Louella sa nasusunog na bahay nila.

Ngunit walang pag-aalinlangang bumalik ang dalawa para sagipin ang apong si Gerick Gestopa, na may espesyal na pangangailangan.

Hindi raw kasi ito nakalabas dahil sa takot sa apoy.

"They didn’t follow me out. I went back for them. I called out for him saying ‘Manong Boy come now because the fire is getting bigger.’ But he didn’t come," ayon sa kapatid ni Gerardo na si Cesar.

Dalawang sunog na bangkay ang nakita sa loob ng bahay ng mga Gestopa na pinaniniwalaang ang mag-asawa.

Unang nakita ang katawan ng isang babae at sumunod ay isa pang bangkay na lalaki.

Sa kabila ng nangyari, umaasa pa rin ang mga kaanak ng biktima na nakaligtas at buhay pa si Gerick.

Bandang 2:00 ng madaling araw nang maiulat ang sunog na umabot pa sa 4th alarm bandang 2:41 a.m.

4:10 a.m. nang ideklara ng mga bumbero na fire out na sa lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel