Misis, nilagyan ng family picture ang motor ni mister para ‘di raw mambabae

Misis, nilagyan ng family picture ang motor ni mister para ‘di raw mambabae

- Tampok sa social media ngayon ang kakaibang paraan ni misis para hindi raw mambabae ang mister niya

- Kita sa isang post na nilagyan daw ni misis ng family picture ang motorsiklo ni mister

- Kaya raw nilagay ang family picture nila sa motorsiklo ay para hindi na makapag-angkas ng ibang babae ang asawa niya

- Samantala, kahit ang mga netizens ay tawang-tawa rin sa naisip ni misis para sa kanyang mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon sa social media ang isang misis na may kakaibang paraan para hindi raw mambabae ang asawa niya.

Nalaman ng KAMI na nilagyan ni misis ng family picture ang motorsiklo ni mister.

Ibinahagi ng Facebook page na Buhay Lespu ang litratong ito na may caption na: "Tignan ko lang kung makapagsakay ka ng ibang babae."

Makikita sa litrato na kakaiba ang disenyo ng motorsiklo dahil may litrato ito nilang mag-asawa kasama ang tatlong mga anak nila.

Naging trending ang post na ito sa social media at mayroon itong 16,000 engagements, 9,000 comments, at 27,000 shares.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, tawang-tawa rin naman ang mga netizens sa kakaibang ideya ni misis para sa asawa niya. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Sana all haha”
“Kahit buong motor pa ang balutan ng photos mo kung mambababae... mambababae!”
“Khit mukha pa ng santo ilagay mo jan..may aangkas prin...”
“Hahaha. Ok yan. Family pic.”
“Mautak na asawa”
“maganda ata yan sa mga kotse”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Exclusive Interview: How Did Kris Bernal And Perry Choi Meet? Let's find out how the famous Filipina actress Kris Bernal and her non-showbiz boyfriend Perry Choi met. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel