Kabataan na sumunog sa balloon vendor, binanatan ni Mayor Isko Moreno

Kabataan na sumunog sa balloon vendor, binanatan ni Mayor Isko Moreno

- Lima sa pitong mga kabataang sangkot sa panununog ng balloon vendor ay iniharap kay Mayor "Isko Moreno" Domagoso

- Matatandaang napagkatuwaan ng grupo na sunugin ang lobong paninda habang natutulog ang tindero sa sidewalk sa bahagi ng Pandacan, Manila

- Sa isang press briefing, ibinahagi ni Domagoso na sumuko ang lima matapos ang kanyang panawagan noong February 14

- Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang tindero na nakilala sa pangalang Oliver Rosales

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lima sa pitong kabilang sa grupong nanunog ng paninda ng isang ballon vendor ang iprinisenta ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa isang press briefing.

Sa CCTV footage, makikita ang pitong kabataan na kumaripas ng takbo matabos silaban ang mga lobo habang natutulog sa sidewalk sa Pandacan, Manila si Oliver.

Dahil sa pagliyab, nalapnos din ang ilang bahagi ng katawan ng vendor.

Nauna nang hinimok ni Domagoso ang mga suspek na sumuko sa otoridad.

Isa sa limang iprinisenta ay haharap sa kasong serious physical injury. Isang nagngangalang Dranreb nasa tamang edad na samantalang menor ang iba pang sangkot.

'Yang joke, joke, joke niyo, maaari pala tayong makapaminsala... Gusto ko nga 'pahawak din sa kanila 'yung lobo, pero labag sa batas iyon," ani Domagoso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinayuhan niya din ang mga netizens na sobrang nanggalaiti sa mga suspek na wag ilagay sa kamay ang batas.

"I understand talagang nakapanggigigil ang kagaguhan ng mga ito pero 'wag niyo naman pagbuhatan ng kamay," aniya.

Ayon sa isa sa mga sangkot, hindi niya isahan na makakapinsala ang kanilang ginawa. "Akala ko po sasabog lang."

Sa naunang ulat ng KAMI, nanindigan ang vendor na itutuloy niya ang reklamo sa mga nanunog ng kanyang paninda na naging dahilan ng pagkalapnos ng kanyang balat.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! Click the play button ang find out how many among the respondents could recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate