Ilang empleyado ng bangko sa HK, nahuling nagbakasyon pa kahit may coronavirus outbreak

Ilang empleyado ng bangko sa HK, nahuling nagbakasyon pa kahit may coronavirus outbreak

- Ilang empleyado ng isang bangko sa Hong Kong ang nakitang umakyat pa ng bundok kahit laganap ang Corona Virus Disease (COVID-19)

- Naging viral ang litrato dahil imbis na magtrabaho sila ay naisip pa ng mga empleyado na magbakasyon

- Nangamba ang mga tao dahil maaaring mas magdulot ng kapahamakan ang ginawa nilang ito

- Samantala, nagkomento naman ang management ng bangko ukol sa isyung ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nahuli ng isang kompanya sa Hong Kong ang mga empleyado nito na nagbabakasyon imbis na magtrabaho.

Nalaman ng KAMI na pinayagan ng Hang Seng Bank ang mga empleyado nito na magtrabaho mula sa mga bahay nila dahil sa kumakalat na Corona Virus Disease (COVID-19).

Ayon sa ulat ng Rachfeed, naging viral ang isang litrato ng mga empleyado na umakyat pa ng bundok ang mga ito kahit na laganap na ang COVID-19 sa Hong Kong.

“Best WFH (work from home) activity,” sabi ng isang empleyado sa Instagram story niya.

Ilang empleyado ng bangko sa HK, nahuling nagbakasyon pa kahit may coronavirus outbreak

Larawan mula South China Morning Post
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nangamba ang mga tao dahil maaaring mas magdulot ito sa kanila ng kapahamakan dahil sa kumakalat na coronavirus.

Umabot naman sa management ng Hang Seng Bank ang viral na litrato kaya agad silang naglabas ng pahayag ukol dito.

“We are aware that there have been online discussions relating to the matter. We view the matter with grave seriousness. The bank has established mechanism to deal with such incidents and we will continue to strictly follow up on the matter,” sabi ng spokesperson ng Hang Seng Bank.

Giit ng bangko, bago pa lang daw ang mga empleyado na ito kaya hindi pa sila sanay sa mga patakaran kaugnay ng work from home.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Exclusive Interview: How Did Kris Bernal And Perry Choi Meet? Let's find out how the famous Filipina actress Kris Bernal and her non-showbiz boyfriend Perry Choi met. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel